Una sa Balita

Aktor lumuwa ang mga mata sa kaseksihan ni Maureen

0 2,745

abante-talbog-joe-barramedaMukhang palaban na at daring ang dating Asia’s Top Model na si Maureen Wroblewitz nu’ng ilantad ang katawan sa skimpy bikini na pinost niya sa kanyang Instagram account.

At lumuwa nga ang mga mata ng aktor na type na type siya. Maraming napa-wow sa kaseksihan ni Maureen. Ano kaya ang masasabi ng mga kasamahan ni Maureen sa “Eat Bulaga” kung saan isa siya sa regular mainstay ng longest running noontime show? Talbog.

Jeric nag-bingo sa Dagupan

Isa na namang malaking tagumpay ang katatapos na Wheeltek-Kawasaki Bingo Bajaj sa Dagupan City noong Biyernes, Feb 8. Taon-taon ay may pa-bingo ang Wheeltek sa iba’t ibang lugar sa Central Luzon at bale ika-11th year na nila ito.

Last year ay si Ruru Madrid ang nagpasaya sa mga manlalaro ng bingo at sa taong ito naman ay si Jeric Gonzales.

Ayon sa mga nanga­ngasiwa ng annual event na ito na ika-11th year na nila at sobra ang kasiyahan nila sa kinalabasan ng motorcade around Dagupan sa umaga habang ang Bingo event ay sa hapon.

Wala raw naging aberya at tuloy-tuloy ang motorcade na walang putol. Kaya sulit na sulit ang mga artistang ginagamit nila maliban na lang noon na isang Kapamilya aktres ang nainip, bumaba at iniwan ang motorcade. Naloka silang lahat.

Ang aktres ay hindi na active ngayon at may pamilya na, at isang active showbiz aktor pa ang kinakasama.

Kaya nagpapasalamat si Roscoe Odulio at Henry na siyang top executives ng Kawasaki na nasa Dagupan din sa mga sandaling iyon. After naman magpahinga ni Jeric Gonzales ay madaling-araw nitong nilisan ang Dagupan at diretso na siya sa “Dear Uge” taping.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy