Una sa Balita

Aktor laspag na sa kakagimik, kakalasing

0 982

abante-anything-goes-jun-lalinNakakapanghinayang naman ang aktor na ito. No doubt na guwapo pa rin naman siya at masasabi pa ring very hot, pero may mga nakakapansin na nagpapabaya siya sa sarili.

Madalas daw na wasted ang dating niya at nag-aayos lang sa mga event na kasama siya. Parang ni hindi na nga raw nagdyi-gym si aktor ngayon.

Noon daw, amazing ang abs nito at talaga namang katakam-takam, pero ngayon, payat na ang dating niya.

Sabi, palagi pa rin daw ito sa mga gimikan kasama ang girlfriend at umiinom pa rin.

“Sayang siya, dapat ngayon pa lang, mag-isip-isip siya,” sey ng kausap ko.

Ang pagiging pabaya kaya sa sarili ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pang bagong TV series si aktor at ang kanyang girlfriend na aktres?

Well…

 

Nate hindi sunod sa layaw kina Regine, Ogie

 

Ang bilis talaga ng panahon, Dondon, aba, parang kailan lang, pero seven years old na noong Thursday si Nate nina Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid.

Nang magbuntis si Regine, ginagawa niya ang comedy series na I Heart You Pare at kinailangan nga niyang tumigil doon kaya pinalitan siya ni Iza Calzado. At habang lumalaki nga si Nate, lalo itong nakakatuwa.

Kahit masasabing masaya ang kanyang parents dahil parehong masipag magtrabaho sina Ogie at Regine, hindi naman ini-spoil ng mag-asawa si Nate.

Noong isama nga ni Regine na mamili ng toys si Nate, may nagustuhan ito, pero expensive raw, kaya hindi na ‘yon kinuha ng bata, pero dahil alam ng Asia’s Songbird na gustung-gusto ‘yon ng anak, kusa na niyang kinuha at binayaran, kaya naman nagulat si Nate nang makita at nag-dialogue pa ng, “Mom, that’s too expensive.”

Sinabi naman ni Regine sa anak na kinuha niya ‘yon dahil, “I love you so much,” na sobra raw ikinatuwa ni Nate at halos maluha raw ang bata, kaya panay ang thank you nito sa nanay at palaging sinasabi na, “I love you so much” kay Regine.

Ipinagmalaki pa nga raw ni Nate sa mga kasamahan nila sa bahay, pati sa dalawang kapatid ni Regine, ang biniling laruan sa kanya ng kanyang nanay dahil mahal nga raw ‘yon, pero mahal na mahal daw kasi siya ng kanyang nanay kaya binili ‘yon.

In fairness to Regine, and Ogie too, never nilang ipinaramdam kay Nate na kaya nilang bilhin ang lahat ng mamahaling toy para sa anak. Kapag namimili sila, aral si Nate na dapat ay kasya lang sa budget na nakalaan ang toys na bibilhin niya.

Pero that time nga na namili ang mag-nanay, binilhan ni Regine ng expensive toy si Nate dahil 7th birthday nga nito at napakabait naman na anak ni Nate, kaya pinaka-reward na niya ‘yon sa bata.

Anyway, sa three-night concert ni Regine na Regine at the Movies sa New Frontier Theater, isa raw si Nate sa mga manonood. Excited na rin daw si Nate para sa concert na ‘yon ng kanyang nanay.

Ang mga makakasama nga pala ni Regine sa Regine at the Movies ay sina Piolo Pascual (November 17), Sharon Cuneta (November 24) at Daniel Padilla (November 25).
Siyempre, si Nate, pati si Ogie (na official photographer daw sa three nights concert) ang inspirasyon ni Regine sa pagpe-perform doon.

Ang ABS-CBN nga pala ang media partner sa Regine at the Movies at co-presentors ang PLDT Home, Belo Medical Group at GAOC Dental at major sponsor ang Jollibee na endorsers ang mag-ina.
Tickets available at all Tickenet outlets at for inquiries call 911-5555 or order online at tickenet.com.

 

Ken Chan inoobligang ligawan si Arra

 

Para sa mga fan ng My Special Tatay, magandang tingnan bilang magkapareha sina Ken Chan at Arra San Agustin. Bagay nga ang dalawa.

Ang pangarap nga ng loyal viewers ng My Special Tatay afternoon series nila sa GMA 7 ay ang magkatuluyan in real life ang dalawa. Sana nga raw ay ligawan na ni Ken si Arra (‘yun ay kung hindi pa raw nililigawan ni Ken ang dalaga).

Saka sana raw ay hindi hanggang My Special Tatay lang ang partnership ng dalawa dahil ang request nila ay magkaroon ng movie ang dalawa.