Una sa Balita

Aktor jackpot sa super rich GF

0 942

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, naalala ko ang kantang “Jackpot Ka Sa Puso Ko” ng teen idol of the 70’s na si Arnold Gamboa (part siya ng Apat Na Sikat) sa kuwento tungkol sa aktor na ito na may rumored-girlfriend na sobrang sikat.

Ang sinasabing girlfriend kasi niya ngayon, malayo sa dating nakarelasyon niya na part ng noontime show sa TV network na kinabibilangan niya.

Ang sinasabing girlfriend kasi ni aktor ngayon ay sobrang simple lang at hindi niya kailangang gastusan dahil sobrang yaman din naman nito.

Pero ‘yung dating nakarelasyon daw ni aktor, nakakaloka ang pagi­ging “Bilmoko Girl” daw.

Sobrang laki raw ng gastos ni aktor sa kanyang ex dahil mahilig daw ito sa signature brands.

Ang nanay nga raw ni aktor, imbiyerna sa kanyang ex at nag-bitchy bitchy sa girl na ‘yon dahil sa sobrang nagastusan si aktor nang magkarelasyon pa sila, huh!

At least sa sinasabing bagong girlfriend niya, marami man ang kontra sa kanilang relas­yon, hindi naman big maintenance si girl dahil mapera nga rin ito, ‘noh?!

‘Di ubra ang LDR Katarina wasak ang puso kay Javi Benitez

Nag-aartista na rin ang anak ni Representative Albie Benitez na si Javi.

Noong Wednesday, nag-taping si Javi para sa “Anything Goes” online show ko at nausisa ko siya tungkol sa failed relationship nila ni Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez at inamin ng binata na bad break-up talaga ang nangyari sa kanilang dalawa at noong una ay nagalit sa kanya si Katarina, pero ngayon naman daw ay okey na silang dalawa.

Friends na nga raw sila ngayon at sabi ni Javi, wala naman daw ibang babaeng dahilan ng hiwalayan nila. Hindi lang daw talaga umubra sa kanilang dalawa ‘yung long distance relationship.

Samantala, under contract pala si Javi sa Star Magic ng ABS-CBN at nagwo-workshop na rin siya.

Kasama raw siya sa fantasy movie na produced ng tatay niya, pero cameo lang daw siya sa Magik Land at baka isang project under Direk Peque Gallaga ang ma­ging first full-length movie niya.

Sabi pa ni Javi, pumasok siya sa showbiz dahil gusto talaga niyang mag-artista.

B-day surprise kay Eddie buking sa ingay ni Annabelle

Hindi natupad ‘yung wor­king birthday sana for Eddie Gutierrez dahil hindi natuloy ang taping ng “Cain at Abel” that day.

Bale ngayon ang resume ng ta­ping nila at malamang daw ay sa Monday sila mag-last taping day dahil sa February 15 na ang finale episode nila.

Kagabi nga pala ay may surprise dinner ang kanyang pamilya for Tito Eddie at sabi ni Annabelle Rama, wala raw talagang alam tungkol doon ang kanyang mister.

Nang isulat ko na kaya umuwi rin si Raymond Gutierrez ng bansa ay para sa pa-birthday dinner kay Tito Eddie, itinago talaga ni Bisaya ang Abante.

“Isinulat mo kasi, wala pa namang alam si Eduardo dahil surprise ‘yon,” sabi niya na sinagot ko naman ng, “Wala kang sinabing surprise, ha!”

Sabi ni Bisaya, ayaw na raw kasi ni Tito Eddie na magpa-party pa.

“Ayaw ni Eduardo na gumastos pa ako, kaya secret lang ‘yung birthday dinner ni Eduardo. Wala talaga siyang alam,” sabi pa ni Bisaya.

Well, I wish talagang na-surprise si Tito Eddie kagabi dahil sa ingay ni Bisaya, I really doubt na hindi talaga nabuking ‘yon ng Gutierrez patriarch, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy