Una sa Balita

Aktor hinarbatan, naubusan ng datung

0 516

Naharbatan ng aginaldong pera ang isang aktor nang pumasyal siya sa isang taping ng show. Eh nang buksan ang wallet niya, libo ang nakitang laman nito.

Siyempre, nabalita ang ­pagiging galante ng aktor, huh! Inabangan ng ibang taga-showbiz ang muling pagpasyal niya dahil kinulang ang pera sa wallet niya.

Nang bumalik ang aktor, natuwa ‘yung hindi nabigyan. Umaasa na mabibigyan sila ng datung kahit P1K lang.

‘Yun nga lang, nang buksan ng aktor ang pitaka, panay P100 na ang laman nito. Wala kahit isang P1K bill! At ‘yun na nga, P100 lang ang naibigay niya.

Kabaitan ni Cesar Apolinario inalala

Naging director ni Barbie Forteza ang pumanaw na broadcast journalist/film director na si Cesar Apolinario sa unang movie niya noong 2009, ang “Puntod”.

Sa pagkamatay ni Cesar last December 13, isang madamdaming mensahe ang inilabas ni Barbie sa kanyang Instagram.

“Kayo po ang pinakaunan naniwala sa kakayahan ko, Direk @cesarapoliario at patuloy na naniniwala.

“Ibang klase po kayong mag-alaga, ­magmahal at suporta. Mahal na mahal ko po kayo, direk. Hanggang sa muli,” saad ni Barbie sa ­caption sa

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy