Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktor dugyot, salaula sa bahay

0 222

Inokray ng mga netizens ang mga mirror selfie na pinost ng model-turned-actor sa Instagram. Galing sa workout ang aktor at kahit pawisan ay nag-mirror selfie ito para ipagmalaki ang kanyang six-pack abs.

Hindi naman katawan ng aktor ang napansin ng nertizens kundi ang kanyang kuwarto na akala mo ay bodega dahil sa rami ng kalat.

Napansin sa mirror selfie ng aktor ang mga nakakalat na sapatos sa sahig at wala man lang itong shoe rack para organized ang mga ito.

Napansin din ang kama ng aktor na walang bedsheet at kung anu-anong mga nakakalat sa ibabaw ng kama. May laptop, mga plastic bags, mga papel at may open pizza box.

Nakita rin ng netizens ang mga nakasabit na tuwalya, t-shirt, shorts, boxer shorts at pantalon sa silya at kama at headboard ng kama.

Napakasalaula daw ng aktor, eh ang guwapo, makinis at mabango pa naman daw tingnan. Sa dumi ng kuwarto niya, kulang na lang daw ay maki-selfie siya sa ahas, ipis, daga.

May nag-comment na may time mag-workout at mag-selfie, pero wala itong time na ayusin muna ang kuwarto niya para mukha naman daw malinis at hindi dugyutin.

Dahil sa mga okray na comment, deleted na ang mga selfie na ito sa IG ng aktor. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.