Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktor bokya sa mga nilalanding ekstra

0 392

Mahigit isang taon na rin kasi simula nang mabalitang hiwalay na ang showbiz couple. Kaya naman given na rin siguro na okay na at naka-move-on na rin ang actor sa pangyayari.

Ang actress kasi ay obvious naman na matagal na na nakapag-move-on.

So heto ang siste raw ngayon, galing sa aming source sa isang lock-in taping kunsaan ay isa sa cast ng show si actor.

Okay na raw talaga ito ngayon kaso, nawiwindang daw ang mga nasa production at maging ang ibang mga kasamahan niyang artista sa show dahil ang dami raw pinopormahan ng actor. Halos karamihan daw ng mga talent o extra ng show, pinopormahan nito o sinusubukang ligawan.

Pero ‘yun lang daw na bakit sa daming pinopormahan, wala raw kumakagat o tumatanggap ng panliligaw ng actor sa mga talents ng programa, huh! (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.