Una sa Balita

Aktor bet pa rin si ex-dyowa

0 453

Kahit may dyowa, anak na:

abante-anything-goes-jun-lalinNaaliw ako, Dondon, tungkol sa kuwentong narinig ko sa isang not-so-active actor (his own choice naman) at sa isang society girl (may connect din sa showbiz dahil sa kanyang line of work) na ex niya.

Nagkita pala ang dalawa sa isang art exhibit kamakailan. Actually, tahimik daw si society girl na ina-appreciate ang ilang art pieces nang batiin ito ni not-so-active actor.

In fairness, maganda naman ang batian nilang dalawa hanggang maloka raw si society girl sa dialogue ni not-so-active actor nang banggitin niya kung bakit ang payat na niya.

Nag-excuse na lang daw si society girl sa kanyang ex. After ilang days, nagulat na lang daw si society girl nang makatsikahan ang isang kaibigan at banggitin na ang ganda ng suot niya sa art exhibit na pinuntahan.

Nagulat si society girl kung bakit alam ng kaibigan niya ang suot niya sa art exhibit na pinuntahan, kaya tinanong niya kung nandoon din ba ang kaibigan.

“No” ang sagot ng kaibigan, pero ipinakita raw kasi sa kanya ni not-so-active actor ang picture ni society girl na kinunan nito sa art exhibit na ‘yon.

It turned out na walang kaalam-alam si society girl na kinunan pala siya ni not-so-active actor ng pictures sa nasabing art exhibit.

How weird, sabi naman ng mga kaibigan ni society girl.

Well…

Mga Kapamilya star super behave sa US, natakot kay Mr. M

Successful ang ASAP Natin ‘To in Bay Area na ginanap sa SAP Center sa San Jose, California. Sabi ng kausap ko na nasa venue at isa sa tumulong sa mga taga-ABS-CBN, maayos daw ang lahat.

“Lahat, busy!” sabi ng kausap ko.

“Wala bang nag-umarte?” tanong ko.

“Wala. Masaya nga. Bawal naman kasi ang pasaway! Ayaw ni Mr. M (Johnny Manahan)!” sagot ng kausap ko.

In fairness, kahit nga noong Friday (a day before the show roon dahil 15 hours behind sa atin ang California), lahat daw behaved.

Kahit ang big stars at mga poste ng ASAP, sumusunod daw sa call time.

Wala raw reklamo kahit 11 hours daw silang nag-rehearse.

Ang lakwatsa raw, after na ng show dahil may kanya-kanya silang shoot before the actual show.

Pops, Martin nagpatikim ng kilig sa SanFran

Ang ASAP Natin ‘To in Bay Area rin ang “patikim” nina Martin Nievera at Pops Fernandez para sa pagsisimula sa Saturday ng Two-gether Again US concert tour nila.

Bale after nila sa San Jose, go na sila sa Los Angeles, California dahil may pa-presscon pa bago ang Palace Theater concert nila on Saturday.

Basta sabi sa akin ng isa sa mga producer ng Saturday concert nila, si Tita Trini Foliente, happy sila dahil ang ganda ng benta ng tickets, huh!

Sobra pa rin talaga ang interest ng fans sa ex-couple na happy na silang makitang magkasama sa concert at kumakanta together!

Actually, ang bongga nga dahil ‘yung tig-$200 na premium VIP tickets sa concert sa Saturday ang unang nabili, huh!

Siyempre, after ng start ng Two-gether Again on Saturday ay may meet & greet sina Martin at Pops sa premium VIP ticket-holders!
Nice!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy