Una sa Balita

Aktibong pulis-Maynila, pinatay sa Malabon

By
0 372

WALANG habas na pinagbabaril ang isang aktibong pulis-Maynila ng riding-in-tandem sa labas ng isang sabungan sa Malabon kamakalawa nang hapon.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) ­Director, Police Chief Superintendent Gregorio­ Noto Lim, pasado alas-tres nang hapon nang maganap­ ang insidente sa parking lot ng Cockpit Arena sa Don Basillo Bautista Boulevard, Brgy. Dampalit ng nasabing lungsod.

Papaalis na sana umano sa nasabing lugar ang biktimang si SPO2 Rodolfo Cruz Jr., 51-anyos, may asawa, nakatalaga sa Manila Police District (MPD) at residente ng M. Sioson St., Road 26, Brgy. Dapalit ng parehong lungsod kasama ang kaibigang si SPO1 Elmer Barola, retiradong pulis sakay ng Toyota Fortuner na may plakang AAJ 4865.

Dito nakitang dumating ang isa sa hindi pa ­nakikilalang suspek at walang habas na pinaulanan­ ng bala ang biktima.
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya.