Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktibong COVID sumipa, NCR pinakamarami

0 65

Bahagyang tumaas ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umabot sa 2,422 ang bilang, ayon sa Department of Health (DOH).

Kasunod ito ng ulat na nakapagtala ng 209 na pinakabagong kaso ng COVID sa bansa noong Huwebes, Mayo 27.

Sa ngayon nasa 3,689,865 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng naturang virus sa bansa.

Batay pa sa ulat ng DOH, ang mga nangungunang rehiyon na may pinakamataas na kaso ng COVID nitong nakaraang dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 989, sinundan ng Region IV-A o Calabarzon na nakapagtala ng 355 at Region 3 (Central Luzon) na may 272 kaso.

Maging ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) ay nagsabi nitong Sabado na nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng hospital admission ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID.

“Actually mayroong slight increase sa mga admissions pero manageable naman so far ang ating private hospitals at hindi kami masyado nababahala,” sabi ni PHAPI president Dr. Jose de Grano sa Laging Handa public briefing kahapon. (Sherrylou Nemis/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.