Una sa Balita

Aksidente sa Pangasinan: 6 patay, 16 sugatan

By
0 202

ANIM katao ang patay habang 18 ang nasugatan matapos ang magkakahiwalay na vehicular accident sa apat na bayan ng lalawigan ng Pangasinan sa mga nakalipas na mga araw, ayon sa Pangasinan Regional Police Office (PPPO).

Base sa report ng PPPO, sa Binalonan, tatlo ang namatay matapos salpukin ng isang truck ang kanilang motorisklong nasa kahabaan ng Aloragay Bridge, Barangay Bugayong sa nasabing bayan ng bandang alas-11:50 noong Linggo.

Ayon sa Binalonan Police Station (BPS), hindi umano napansin ng truck driver na nag-overtake sa isang sasakyan at biglang nakasalubong ang motorsiklo ng mga biktima na hindi pa nakikilala hanggang sa ngayon.

Sa bayan ng Natividad, isang 15-anyos na motorcycle rider na si Iverson Batocael ang patay matapos bumangga sa isa pang motorsiklo sa Barangay Calapugan sa nasabing bayan bandang alas-7:10 ng gabi noong Sabado.

Samantala, noong Linggo ng umaga sa bayan ng Malasiqui, patay naman si Gemma Toralda, 38, matapos malaglag sa sinasakyang tricycle sa Barangay San Julian.

Sa bayan ng Agno, patay si Abello Ramos, 61, matapos bumangga ang kanyang sinasakyang motorisiklo sa isang truck sa Barangay Macaboboni bandang 5:30 ng hapon noong Linggo.

Nasa 16 namang pasahero ang sugatan sa salpukan ng dalawang jeepney sa Dagupan City noon ding Linggo.