AKO’NG MAY-ARI NG BUONG ‘PINAS!

By

Pinaalalahanan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na wala silang karapatang hadlangan ang militar sa pagsasagawa ng opensiba dahil siya ang may-ari ng buong Pilipinas.

“Sabi nila pumapasok daw ‘yung military pati pulis sa mga teritoryo­ nila. Sabi ko, no, no, no, no. Ako ang may-ari ng buong Pilipinas, representing the Republic of the Philippines. Hindi ako papayag na may teri­toryo na hindi amin,” bahagi ng talumpati ni Duterte sa Filipino community sa Myanmar.

“Akin lahat ‘yan. Hindi kayo. It’s not for you to claim. It is my office that would say where lies the boundary of my country,” dagdag ni Pa­ngulong Duterte.

Ikinwento rin ng Pangulo kung papaano naudlot ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng CPP-NPA.

“Bigla na lang nagsabi itong NPA na, komunista na, ‘yung ceasefire unila­teral na dineclare nila, lifted na by February 10 but February 4 they were already killing, slaughtering my soldiers and my police,” sabi pa ni Duterte.

Kaya tinawagan umano niya kinagabihan ang peace panel.

“Sabi ko, resume tayo. Ngayon sabi nila, mag-ceasefire sila. Sabi ko, well, ako, huwag na muna. Tingnan ko. Bigyan mo ako ceasefire that is reduced in writing so that we can establish the para­meters,” dagdag ni Duterte.

Kabilang sa hinihi­nging kondisyon ni Duterte ay palayain ang lahat ng sundalo, pulis, civilians, mga municipal, pati barangay officials na dinukot ng rebeldeng grupo.

Kasama rin sa kondis­yon ay ang pagbabawa­l sa komunistang grupo na mangolekta ng revolutionary tax.

“Otherwise, giyera tayo,” babala pa ng Pangulo.


Nagbanta rin si Pangulong Duterte na hindi niya hahayaang mamayani sa buong bansa ang karahasang nangyayari sa Mindanao.

Binigyang-diin ng Pa­ngulo na kaya niyang palagpasin ang mga isyung pulitikal na ibinabato sa kanyang administrasyon kagaya ng destabilisasyon sa kanyang liderato.

“It’s all politics actually. In the matter of going after them, it has not reached that level of vio­lence, destabilization. It’s more of publicity. And for as long as it is really­ a peaceful exercise of the freedom of speech and freedom of the press, there’s nothing I can do about it. It’s guaranteed under the Constitution,” anang Pangulo sa media interview sa Myanmar para sa kanyang dalawang­ araw na official visit.

Sinabi pa ng Pangulo na ang usapin sa destabilisasyon ay malawak.

“It has no limit. But actually you have to have the kind of situation where there is already vio­lence committed and imposed on the population whether they are with you or against you,” giit pa ng Pangulo.

Sa sandaling humantong na umano sa karahasan ay hindi na niya ito palalagpasin.

“Pagka ginulo nila ang bayan, just like what is happening in Mindanao… If it goes out of hand and children are already targeted for killings, ibang istorya na iyan,” banta ng Pangulo.


SHARE