Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Ako nga pala sinaing mo’ Patutsada ni Alodia sinopla ni Wil

0 73

Nagpatutsadahan sa social media ang ex-couple na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.

Sinimulan ito ni Alodia noong nakaraang Thursday nang mag-post siya sa Instagram na suot ang sexy golden gown para sa isang red carpet event sa California. Nilagyan niya ito ng caption na: “Hi. Ako nga pala yung sinayang mo.”

Nag-react ang mga netizen sa post na ito ng cosplay celebrity at tinag nila ito sa ex-boyfriend na si Wil.

Nag-comment din ang sister ni Alodia na si Ashley ng: “Tag ko na ba?”

Nag-reply naman si Wil sa comment ni Ashley na, “Wag na nagboblow up na fone ko alam ko na! Nakupo.” Pero deleted na ang reply na ito ni Wil.

Pero nag-post naman kinabukasan si Wil sa Facebook niya. Ang photo niya ay may hawak siyang rice cooker na may lamang bagong saing kanin. Ang caption niya ay: “Hi, ako nga pala yung sinaing mo.”

Marami ang nanghinayang sa biglang paghiwalay nila Alodia at Wil noong November 2021. Nasundan kasi ng maraming netizen ang love story nila na nagsimula noong 2018 pa.

Naging supportive girlfriend kasi si Alodia noong ma-diagnose si Wil with stage 3 colon cancer noong 2017. Habang dumaan sa operasyon at chemotheraphy si Wil, hindi nawala si Alodia sa tabi niya hanggang sa maging cancer-free ito noong 2018. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.