Una sa Balita

Ako Bicol Partylist, SM tandem sa giyera vs COVID

0 553

Magkatuwang na namigay ng medical supplies sa mga health worker sa Bicol region ang Ako Bicol (AKB) Partylist at SM Foundation.

Naipamahagi na ng Ako Bicol Partylist at SM Foundation ang donasyong Personal Protective Equipment (PPEs), KN95 masks, protective goggles, ilang daang litro ng alcohol at libo-libong nitrile gloves sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Legazpi City, Legazpi City Hospital, Bicol Medical Center (BMC) at Ziga Memorial District Hospital sa Naga City.

Ipinahiram din ng AKB Partylist ang kanilang service vehicle sa BMC upang magamit ng mga health worker na walang masakyan dahil sa suspensyon ng public transportation bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine.

Bukod sa service vehicle, namahagi rin ang Partylist ng pagkain sa mga health worker at frontliner sa mga ospital at checkpoint sa Albay.

Nagpasalamat naman ang AKB Partylist sa Jaime V. Ongpin Foundation, Lucio Tan Group of Companies at Six in One Corporation (SIOC) para sa kanilang tulong at mga donations sa mga Bicolano.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More