Una sa Balita

‘Ako ang pinakamalandi!’ – Rhian Ramos

By
0 6,432

Jason ang pangalan ng boyfriend ni Rhian Ramos. Eh sa GMA series niyang The One That Got Away, si Jason Abalos naman isa sa lalaki niya bukod kay Dennis Trillo.

Hindi man daw sila madalas mag-usap sa set, kapag silang dalawa na ang magkaeksena eh, feeling niya, swak na swak ang team up nila. Kaya naman sa isang episode ng TOTGA, todo bigay sila kapwa sa kanilang laplapan, huh!

“Feeling ko when we’re in a scene, sabay kami kumilos. Parang ganoon,” say ni Rhian sa leading man niyang Jason.

Hindi ba seloso ‘yung Jason niya?

“First of all, ‘yung Jason na boyfriend ko, so parehas silang Boo. Boo ang tawagan namin. Hindi siya nagseselos but I don’t think napanood din niya ‘yung episode.

“Pero usually, hindi rin naman talaga siya nagseselos. Secured siya. ‘Yun nga, behind the scenes, he has his tent, I have mine,” saad niya.

May nakapansin ngang netizen na halos lahat ng lalaki sa series ay nahalikan niya, huh!

“Actually, lahat! Ha! Ha! Ha! Si Migo (Adecer) lang ‘yung safe sa akin! Is it dahil kapatid ko siya (sa series)?

“As in, ‘O, meron kang guest role.’ Hahalikan din kita. Ha! Ha! Ha! O may guest role si ganyan, hahalikan mo!

“Si Renz (Fernandez), hindi. Kasi nga, bading. Kahit si Alex (Lovi Poe), hindi siya hinalikan,” pahayag pa ni Rhian.

Kumusta naman ang feedback sa pamilya at kaibigan sa maharot niyang character?

“From my family and friends, nu’ng first few weeks ng show, hindi talaga natutuwa ang nanay ko. As in umuuwi ako, ang sama na naman ang tingin sa akin dahil sa latest kong nasuot, o nagawa ko.

“Hindi ko ba raw puwedeng sabihin na ayaw ko. Eh ‘yung Si Zoe (name niya sa series). ‘Sumusobra na kasi eh. Nakita ko nu’ng isang araw, blinurr na ‘yung gilid ng damit mo.’ ‘Bini-blur na ba ako? Sorry, sorry.’ Uma-agree ako na sumusobra na ako. ‘Tama ka, tama ka!’” chika niya sa paninita ng ina.

“‘Yun nga, hindi siya natutuwa sa akin pero nu’ng parang emotio­nally, na-develop ang character ni Zoe na hindi lang siya one sided na parang porke’t maharot masama na? Puwede namang may kabutihan din ‘yung tao,” dagdag niya.

Ngayon daw, full support na ang ina pag napapanood niyang nagkakasundo silang tatlong girls kapag may problema.

“Napi-feel ko ngayon ang support ng family and friends ko!” diin nig Kapuso actress.

Hindi muna tumodo si Rhian sa mga unang episodes ng TOTGA. Takot din siyang ma-bash dahil alam niyang marami pa ring konserbatibo sa bansa.

“Ako kasi ‘yung character na pinakamalandi. Pero nu’ng maganda ang feedback, sabi ko, puwede na ‘to!” bulalas pa ni Rhian.