Una sa Balita

Aklan LGU: Sinampay na panty, brief huwag ipakita sa turista

0 393

Kailangan na ng mga residente ng bayan ng Malay, Aklan na mag-isip paano patutuyuin ang kanilang sinampay na underwear makaraang muling imungkahi ni Councilor Maylyn Aguirre-Graf ang pagbabawal na ibandera ang mga nilabhang underwear sa lugar na nakikita ng publiko.

“It is high time to regulate the drying of undies in public view in our town,” sabi ni Graf.

Tinawag ito ng opisyal ng local government unit (LGU) bilang eyesore o hindi umano maganda sa paningin ng mga turista na bibisita sa nasabing isla.

Ito rin ang naging proyekto ni Graf noong maging chairman ng Brgy. Motag, Malay, kaya naman nais umano niyang tularan ng lahat ng barangay sa nasabing bayan, ang matagumpay na hakbang na ginawa sa Brgy. Motag.

Dagdag nito, maging ang ibang bansa ay nagpatupad ng mahigpit ng polisiya sa pagsasampay ng damit.

Bukod dito, gusto rin ni Graf na maiayos ang pagla­lagay ng mga poster at advertisement ng mga kompanya sa mga bakod, dapat umano aniya na nakalagay lamang ito sa mga sari-sari store. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More