Una sa Balita

Akhuetie, UP pinaamo ang UE

0 260

NILIMITAHAN ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa apat na puntos lang ang main gunner ng University of the East (UE) Red Warriors na si Rey Suerte tungo sa 62-56 ikatlong sunod na panalo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City kahapon.

Dinomina ni Bright Akhuetie ang ilalim, humarabas ng 16 marka, limang caroms at tigatlong assists at agaw para ibigay sa Fighting Maroons ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Katuwang ni Akhuetie sina Javi Gomez de Liaño na may 15 marka at tatlong boards, habang hindi rin nagpahuli si Kobe Paras na kumulekta ng 12 points, 10 rebounds, three blocks at two assists.

Agad nagpasiklab ang Diliman-based squad, 27-39, sa pangunguna nina Akhueti at de Liano pero naibaba ito sa isa ng UE, 56-57, sa final canto.

Pero nagsalpak ng pamatay na tres si si Jaydee Tungcab para sa Maroons upang lumayo ulit 60-56.

“His [Jaydee Tungcab] long game brillance in defending rey suerte helps us a lot,” ani head coach Bo Perasol sa tres ni Jaydee. “In the end it was Jaydee saves us with his 3 point shit in the corner.”

Tanging si Senegalese Alex Diakhite ang nakaporma para sa Red Warriors sa tinipang 21 markers at 17 rebounds pero kapos ito kaya laglag sila sa 1-4 karta.

Sa second game, panalo ang De La Salle University (DLSU) Green Archers laban sa Adamson University (AdU) Soaring Falcons, 68-61.

Double-double performance ang inilista ni Justine Baltazar na 21 markers at 14 boards, sahog pa ang tigalawang assists at blocks.

Angat ang La Salle sa 2-3 panalo-talo kartada, habang nalasap ng Adamson ang ikatlong kabiguan sa anim na laban. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy