Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Akala ninang, bride pala! Misis sinorpresa ng kasal

0 11

“Sana ol” – ito ang nasambit ng maraming netizen matapos mapa­nood ang surprise wed­ding na inorganisa ng mga anak at daughter-in-law ng isang 66-anyos na ginang na taga-Tali­say City.

Akala ni Elizabeth Arrey, magnininang lang siya. Pero napahagulgol siya nang malaman na siya pala at ang kanyang mister na si Arnold ang ikakasal.

Sa video na kinu­hanan ni Brenda Ar­rey, daughter-in-law ng mag-asawang Arrey, makikitang pagpasok ng ginang sa wedding venue ay dumagundong ang kataga mula sa em­cee na,

“What a beautiful bride: Mrs. Elizabeth Ar­rey!”

Nakasuot ng kulay pulang gown si Elizabeth kung saan naghihintay sa pintuan at may ha­wak na flower bouquet ang nakabarong niyang mister. Napahagulgol ang ginang sa sorpresa.

Nabatid na isinagawa ang surprise wedding kasabay ng ika-40 anibersaryo ng mag-asawang Arrey.

“Pagkakaalam ko, magiging ninang ako sa friend ng anak ko,” ku­wento ni Elizabeth, sa isang panayam.

“Hindi ko akalain na bibigyan nila kami ng pagkakataon na ikasal kami na 40 years, kasi ‘yong kasal namin noon, simple lang, kasi mahi­rap. So ngayon ko lang naranasan na ganon, ang ligaya,” emosyonal niya pang sambit habang nagpupunas ng luha si Arnold sa tabi niya.

Sa kabila na malaking hamon ang preparasyon ay tiniyak ng mga mag­kakapatid na Arrey na na­sunod nila ang COVID-19 protocols kaya maayos nilang naikasa ang sur­prise wedding ng kanilang mga magulang.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.