Una sa Balita

Akala buntis! Alex muntik bugbugin ni Mommy Pinty

0 585

Ibang klase talaga si Alex Gonzaga! Ang ­lusog ng utak, ha!

Pati ang sarili niyang nanay, muntik na niyang paiyakin. Actually, patulo na talaga ang luha ni ­Mommy Pinty dahil sa inilantad niya.

Anyway, may ipinakita nga kasing sonogram at pregnancy kit na positibo si Alex kay Mommy Pinty.

At siyempre, naloka si Mommy Pinty.

“Kinakabahan talaga ako!” sabi ni Alex na mapapanood sa kanyang YouTube channel ang mga eksena.

Anyway, tinawag nga ni Alex ang nanay niya at uncle niya sa isang kuwarto. At iniabot niya ang hawak-hawak niyang envelope na malaki.

“Yes, it’s good news. I have good news to the both of you.

“Mom, open this!” sey pa ni Alex.

“Ano ‘yan?” tanong ni Mommy Pinty.

“Ano ba ‘yan? Kaarte naman nito!” sabi pa ulit ni Mommy Pinty.

At ‘yun na nga, nu’ng nakita ang laman ng envelope, makikita nga na gamit ‘yon ng mga ­babaeng buntis.

“Tarantadong ito!” reaksiyon ni Mommy Pinty.

“Sinasabi ko na nga ba, eh. Sinasabi kong ‘wag mong gagawin ito habang hindi pa nakakasal, eh!” nakakalokang reaksiyon ni Mommy Pinty.

“Magkakapinsan na si Seve. Bakit malungkot ka?” sabi ni Alex sa kanyang nanay.

“Lintik, ha! ‘Di ako naniniwala diyan!” sabi pa ulit ni ­Mommy Pinty.

Eh, pinilit-pilit ni Alex si Mommy Pinty na kausapin siya. Nu’ng mga oras kasing ‘yon, nag-walk out na si Mommy Pinty. Siguro ay para umiyak sa isang kuwarto, dahil naloka nga siya sa nalamang kuwento ni Alex.

Eh, pinilit nga siya, at ambang susuntukin niya si Alex.

“Umalis ka dito!” tila medyo galit na reaksiyon na ni Mommy Pinty.

“Mom, padating na si Mikee (dyowa ni Alex).

Pero, parang magkahalong galit at lungkot nga ang makikita sa mukha ni Mommy Pinty. Kaya hindi na nakatiis si Alex, at inilantad na.

“Mom it’s a prank!” patawa-tawang rebelasyon ni Alex.

Paiyak na sana si Mommy Pinty.

“Ikaw nga tumigil ka sa kakaganiyan!” sabi ni Mommy Pinty.

At doon na nga niya napansin na may mga ­camera na nakatago at nakatutok sa kanila.

Anyway, bago nga ‘yan, ganito muna ang chika ni Alex.

“Ipa-prank ko si Mommy Pinty na buntis ako.

“Tatlo ang ginawa (pregnancy kit) ko para kunyari sobra na ang assurance ko,” sey niya na galing daw ‘yon sa kanyang kaibigan.

Ipinakita rin niya ang sonogram.

“Two weeks pa lang may mukha na ang baby. Ang cute ng baby para siyang tuta!” nakakalokang sey niya.

Well, sa higpit ng kumpetisyon ngayon, kaila­ngan talaga na mag-isip ng mas bonggang prank, content ang mga You­Tuber. Eh, halos lahat nga ng mga sikat na artista ngayon, nagyu-YouTube na, kaya dapat pabonggahan ang labanan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More