Una sa Balita

Akala bomba: Styrofoam nagpa-traffic sa EDSA

0 178

Pansamantalang sinara ang inner lane ng EDSA Shaw Boulevard underpass sa Mandaluyong kahapon nang umaga dahil sa kahina-hinalang balikbayan box na inabandona sa gitna nito, ayon sa Eastern Police District (EPD).

Agad rumesponde ang Explosive Ordinance Division (EOD) ng Mandaluyong City Police upang siyasatin ang nasabing kahon na unang nadiskubre ng mga nagwawalis sa kalsada.

Gayunman makaraan ang imbestigasyon nadiskubre na styrofoam lamang ang laman ng kahon at sari-sa-ring basura.

Nagdulot ng pagsikip sa trapiko sa mga motorista ang nasabing insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy