Una sa Balita

Airport, eskuwelahan kinandado Usok sa Indonesia forest fire kalat na

0 249

PALAWAK na nang palawak ang apektado ng fo­rest fire sa Indonesia.

Kabilang sa mga inabot ng toxic haze ay ang mga bansang Malaysia , Singapore at Pilipinas.

Para hindi makaapekto ay kinansela ang klase sa ilang eskuwelahan at airport sa Malaysia.

Tinatayang nasa 1,500 eskuwelahan sa Malaysia ang pansamantalang ipinasara dahil sa polusyon sa hangin na maaaring makaapekto sa may isang milyong mga mag-aaral.

Bago ang Formula One motor race sa Singapore ay inaangal na rin ang pagdilim ng kapaligiran na dulot ng usok mula sa forest fire.

Sa Pilipinas ay sinasabing ramdam na rin ng mga taga-General Santos ang usok na mula sa Indonesia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy