Una sa Balita

Airbus titigil na sa paggawa ng A380

0 387

INANUNSYO ng European aircraft ma­nufacturer Airbus na titigil na sila sa paggawa ng A380 superjumbo, ang pinakamalaking passenger aircraft sa mundo.

Sa isang statement, tatapusin nila ang delivery ng nasabing aircraft sa 2021.

Ginawa ng kompanya ang desisyon matapos bawasan ng Emirates ang order nila ng nasabing eroplano.
Nasapawan ang A380 ng maliliit subalit episyenteng modelo ng eroplano.

“As a result of this decision we have no substantial A380 backlog and hence no basis to sustain production, despite all our sales efforts with other airlines in recent years. This leads to the end of A380 deliveries in 2021,” ayon kay Airbus chief executive Tom Enders.

Inaasahang magreresulta ito ng pagbabawas din ng empleyado ng kompanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy