Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Airborne COVID-19 transmission posible – DOH

0 226

Sinang-ayunan ng Department of Health (DOH) ang World Health Organization (WHO) sa inihayag nito na ang COVID-19 ay maaaring maipasa sa iba sa pamamagitan ng hangin sa mga ospital at iba pang lugar na sarado.

“Even our experts are saying, it can be airborne in specific settings,” ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa online media briefing nitong Sabado.

Nitong nakaraang Marso, una nang sinabi ng DOH na airborne ang COVID-19 pero ito limitado sa mga confined hospital setting.

“That’s why our health workers are wearing complete PPE in hospitals because there are aerosol producing equipment [in these areas],” paliwanag ni Vergeire.

Aniya, maaari rin ang airborne transmission sa mga kulob na lugar closed setting kaya nga inirekomenda ng pamahalaan ang outdoor dining.

“Kaya nga tayo ay nagkakaroon ng rekomendasyon na sana kung magkakaroon ng pagbubukas ng ibang sektor katulad ng mga restaurants, it should be in open air para po hindi tayo nagkakaroon ng mga ganitong instances,” dagdag pa ng DOH official. (Dolly B. Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.