Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

AIMAG, Beach Games kanselado

0 36

Dalawa sa malalaking torneo na nakatakda sanang isagawa ngayong taon ang napabilang sa mga kanseladong internasyonal na event dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Kaya naman maaari na pagtuunan ng pansin ng Pilipinas ang kampanya ng pambansang delegayon sa Tokyo Olympics at Hanoi Southeast Asian Games ngayong taon matapos na ma-postpone ang pagsasagawa ng Asian Indoor Martial Arts Games at Asian Beach Games.

Sinabi ni Richard Lim, na hinirang kamakailan na chef de mission ng AIMAG, na ipinagpaliban ang torneo matapos na ang mga kasaling bansa sa 62-nation conclave ay sumang-ayon na ilipat mula sa unang iskedyul nito sa Mayo 21-30 sa Bangkok at Chonburi, Thailand patungo sa Enero o Hunyo sa susunod na taon.

Ang Asian Beach Games ay naunang itinakda sa Abril 2-10 sa Sanya, China ngunit ito rin ay kanselado. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.