Una sa Balita

Aiko nagpasaring sa mga baguhang artista

0 832

abante-anything-goes-jun-lalinKamakailan ay nag-post ang aktres na si Aiko Melendez sa kanyang Facebook account ng “reminder” sa mga baguhang artista.

“For the Newbies; The more you go up, the more you should be humble. Always keep your feet on the ground. Never allow stardom to eat the best of you.

“Ang Observation ko kasi sa mga baguhan now kapag madami followers sa twitter or Instagram ibig sabihin made ka na. Nope po. Ang basis ng kasikatan ng artista is not only with one hit. “Kaya nga me tinatawag na longevity, hanggang san tatagal ang kinang at galing mo? Ung iba kasi ginagamit dn ang pagiging Diva sa imaging, But for me mas gugustuhin ko madinig sa katrabaho ko na. Ay si Ms aiko ang gaan kasama sa work at magaling na artista. Kesa sa madinig na ang bigat nya kasama.

“Iam speaking based on the fact na 30 years na ako sa industry at modesty aside wala pa ako naringgan na nagreklamo sa akin.

“Ayan tularan sana ng mga baguhan yan!

Be Humble ?”

Naku, mukhang may “experience” si Aiko sa ibang mga baguhan kaya siya nakapag-post ng ganoon, huh!

Sandy tuloy ang pagpapa-checkup sa sakit

Noong isang araw ay kapalitan ko ng text message si Sandy Andolong.

Tinawagan kasi ako ni Mother Lily Monteverde at pinai-invite sina Sandy at Christopher de Leon para sa meet the press kahapon ni former Senator Bong Revilla na bigay nila ni Manay Ichu Vera Perez-Maceda.

Alam kasi ni Mother Lily na malapit ang mag-asawang Boyet at Sandy kay Bong, kaya gusto sana niya na um-attend ang dalawa sa event na ‘yon.
Pero si Sandy pala, may checkup din kahapon dahil sa pagpapa-kidney transplant niya some years back.

Text ni Sandy, “Boyet and I will be seeing my doctor on Wednesday and I will have some tests done on me. It’s my quarterly checkup,” sey ni Sandy.
Quarterly pala at patuloy pa rin siyang nagpapa-checkup to be sure na okey ang kanyang health.

Actually, may iba nga akong mga kilala na nagpa-kidney transplant din na umiiwas pa nga na magpunta sa mga event dahil madali raw silang mahawa ng virus.

Pops excited na sa Ai-Ai-Bayani movie

Kahapon sa Anything Goes online show ko ay in-explain ni Pops Fernandez kung bakit kahit nauwi sa hiwalayan ang marriage nila ni Martin Nievera ay the best of friends pa rin sila hanggang ngayon.

Hindi naman daw maiiwasan ‘yon dahil dalawa nga ang anak nila, sina Robin at Ram.

Saka sa totoo lang naman kasi, parehong mabait sina Pops at Martin kaya malayo talaga na mag-away silang dalawa, huh!

Pinasalamatan nga rin pala ni Pops si Martin dahil courtesy nito ‘yung stay nila ng kanyang pamilya sa Solaire noong New Year’s eve.

Tungkol naman sa kalagayan niya after na mamatay ang kapatid niyang si Edwin, okey naman daw siya, pero sad pa rin.

Samantala, ‘yung sa pelikula naman nina Ai-Ai delas Alas at Ba­yani Agbayani na co-producer siya, sobra raw siyang excited at baka ‘yon na nga raw ang simula lang ng kanyang pagiging co-producer ng mga pelikula!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy