Una sa Balita

Aiko nagdeklara ng giyera kay Asec Mocha

‘I demand a public apology on behalf of the PWD’

By
0 5,496

Galit na galit si Aiko Melendez sa latest video na pinost ni Assistant Communications Secretary Mocha Uson kaugnay ng ‘Pepedede­ralismo’ lecture series nito kasama ang vlogger na si Drew Olivar gamit ang sign language para ipaliwanag ang federalism para sa bingi nating kababayan.

Shout out ni Aiko sa Facebook niya, “Sukdulan to ah… And dapat may kaso ito? Ginagawa nyong katatawanan ang mga me kapansanan? Too much. Ako makakalaban nyo dito!!! Enough!”

Sinundan ng aktres ito ng, “Mocha Uson and Drew Olivar, hindi ba nyo nararamdaman ang o alam ang ibig sabihin n OFFENSIVE?!!!..Ganito po pasimplehan naten para di na humaba.

Abante Hiring – IT dep

“Paano kaya kung isang araw magbaliktad tayo ng puwesto ng me kapansanan at mga PWD ang mag-explain ng Federalism Government sa inyo at yang pamamaraan nyo din ang pagpapaliwanag ang gawin sa inyo? Ano ang mararamdaman nyo?

“Madami kasi ako kilala na PWD na mas karapat-dapat sa position nyo eh. Sabi ko nga paulit ulit ako ay taga suporta ng PRD pero ang mga tulad niyo ang nakasisira sa imahe ng Pangulo.

“Wag nyo antayin na si PRD mismo ang magsabi sa inyo nito. I demand a public apology on behalf of the PWD. Kung kayo ay me puso at public servant manghihingi kayo ng tawad sa ginawa nyo? Or gagawa kami ng petisyon para mabigyan kayo ng karapat-dapat na kaparusahan sa asal nyo.”

Inilabas pa ni Aiko ang ilang provisions sa batas na RA 9442 Revised Magna Carta for PWDs na labag sa batas na kutyain ang may kapansanan.

“They are in the government. They should know better,” saad pa sa FB ni Aiko.