Una sa Balita

Aiko, Mayor Jay pakakasal na?

By
0 653

‘Yung sa unang tingin kasi na tatahi-tahimik si Mayor, baligtad pala, dahil mas malakas mang-asar ang guwapong Mayor, ha! “Okey lang naman. Siyempre ‘pag mahal mo ang isang tao titiisin mo lahat,” sabi ni Mayor.

Hirit ni Aiko, “Grabe naman ‘yung makatiis talaga. Parang ang sama naman ng ugali ko. Hahahahaha! Ka­suklam-suklam ba ang ugali ko? Hoy, puro long term ang relationship ko, ha! Alam niyo dahil sa guesting namin, baka maghiwalay na kami. Hahahahaha!”

Pero ‘yun nga, biro lang ‘yon ni Mayor Jay.
“We’ve been together for almost a year na. Oct. 28 naging kami,” sey ni Ma­yor ulit.
Gaano katagal ang na­ging ligawan nila?
“Mga tatlong araw ko siyang niligawan,” sagot ni Mayor.
“Ha? Hindi tatlong araw, ha! Grabe ka. Hahahaha!” pagtutol ni Aiko.
“Pero alam niyo, sa lahat­ ng nanligaw sa akin, siya ang pinakamabilis. Normally kasi 8 months, 2 years bago ko sagutin ang manliligaw. Pero siya, 3 months nga,” sey ni Aiko.
Bakit napabilis? Ano ang nakita ni Aiko kay Mayor at hindi na niya pinatagal?
“Nakakatawa nga kasi siya. Dapat makita niyo siya ng off cam, nakakatawa mga hirit niya, may pagka-naïve,” saad ni Aiko.

Baka plinano ni Mayor ang lahat?
“Acting ba ‘yon? Ang ga­ling mo Mayor, ha! Na-convince ako. Hahahaha!”
Anyway, inamin ni Aiko na nu’ng panahong bakante ang puso niya, isinulat at ipi­nagdasal niya sa Diyos ang mga katangian na gusto niya sa isang magiging karelas­yon. At lahat ba ng anim na katangian na hiniling mo sa Diyos, na kay Mayor?

“Mga 5. Isa na lang ang pini-perfect ko, na sana, malay mo eventually maging ganun siya,” sagot ni Aiko.
Nakakaaliw na kuwento ni Aiko, sa garahe nga raw sila nagligawan.
“Yes, sa garahe kami nag-uusap. Hindi ako nagpapa­ligaw sa labas,” katuwiran ni Aiko.
Kelan ang kasal?

“When you’re in a relationship, your main goal is to be there. But we wanna take our time now muna. Ini-enjoy namin kung ano ang meron kami ngayon. Siyempre, ‘pag kasal ibang ­usapan na ‘yon.”
“‘Yun talaga ang goal ko, na ‘pag may karelas­yon, ang ikasal in the future. Ayoko naman makipaglaro lang, ayoko nang trip-trip lang.

“Pero kung ready na ako? Walang nakakaalam kung kailan ka magiging ready. Ako kasi, akala ko noon ready na ako, ‘di ba? Twice nga. Sa ngayon, we pray na mapunta kami roon,” say pa rin ni Aiko.
“Siyempre ‘pag pumasok ako sa isang relationship gusto mo forever na ‘yon. Lalo na kaming dalawa, hindi na kami bata.

“Kailangan mas maging pasensiyoso, lalo na sa kanya. Pasensiyoso kasi nasa showbiz siya na ‘pag lalabas kami maraming nagpapa-picture sa kanya, support lang. At busy talaga siya palagi. Dati ako lang ‘yung busy, ngayon, ang partner ko sobrang busy na rin. Kailangan siguro pasensiya talaga,” sabi naman ni Ma­yor Jay.
“When you love, you really love. I give my all. Sometimes it’s to a fault na. But it’s a risk, it’s a gamble, ngayon na tumataya na naman ako sa isang pagkakataon para maging masaya, mas nilalagyan ko ng dasal.
“Noon kasi, hindi mas­yadong nagdarasal. So sigu­ro ‘yun ang kulang. So nga­yon happy ako kasi we have God,” pahayag pa rin ni Aiko.

Well, alam niyo ba na hindi nakakatulog si Ma­yor, kahit pagod na pagod siya, kapag alam niyang hindi pa nakakauwi ng bahay si Aiko.

“‘Yun ang different side niya na hindi nakikita ng mga tao,” nakangiting chika ni Aiko.
At oo nga pala, ang mga putahe ni Aiko na tulad ng Adobo, Kare-Kare, at Sinigang, talagang love na love ni Mayor. Yan daw ang mga luto ni Aiko na gusto niyang kainin habangbuhay.
“Oo naman, masarap ang kare-kare, adobo niya. Ang sinigang niya, lasang nilaga. Hahahaha!
“Pero, marunong siyang magluto, once a year nga lang, kasi busy nga siya.”

 

‘Mayor is a good man, hindi siya mahirap i-build up sa mga anak ko’

Ano nga pala ang reaksiyon ng mga anak ni Aiko sa relasyon nila ni Mayor?
“Si Andre wasn’t so hard, kasi they are both into cars. Nahuli niya ang kiliti ni Andre.
“Si Martina, process talaga ‘yon na kinuha muna niya ang trust, and she’s only 12, so pinoproseso talaga ‘yon.
“Pero, hindi siya mahirap i-build up sa mga anak ko, kasi he’s really a good man. And may effort talaga siya for my kids.
“It pays a lot when you pray. I am sure, that our relationship si God ang center noon. I always remind him na magdasal, kasi sobrang busy siyang­ tao. Hindi masama kung sasabihin niya, o iiyak niya ang mga problema niya kay God. Ganun siya,” lahad pa ni Aiko.
“Very down to earth na tao si Aiko. Hindi siya mahirap pakisamahan,” sey naman ni Mayor.

 

Nakakatakot si Aiko as Emilia! — Mayor Jay

Anyway, marami na nga ang nakaka-miss kay Aiko sa teleserye. Ang tanong nga, kailan ulit makikita ang mala-Emilia niyang­ acting?
“Napanood ko siya sa Wildflower as Emilia. Nakakatakot siya. Hahahahaha!” sabi ni Mayor.
Naging Emilia na ba si Aiko sa mga away niyo?
“Hindi pa. Hahahaha!” sagot ni Mayor na parang nanginginig ang mga kamay.
Kelan ang simula ng teleserye ni Aiko sa Dos?
“May offer sa akin ang Channel 2, at hindi ko pa masagot kung ‘yon ang gagawin ko o hindi. Lahat ng desisyon ko nga­yon hanging pa lahat. Mahirap-hirap ngayong October kasi ang dami naming kailangan i-consider. Ang soap opera ko, dapat sa Oct. 13 ang ta­ping, at ang filing ay sa Oct. 15.
“So, kailangan pag-isipan talaga,” sabi ni Aiko.

 

Balik politika? ‘May offer, kailangan pag-isipan’

Ngayong Oktubre nga pala ay kailangang magdesisyon ni Aiko kung babalik ba siyang muli sa politika.
“I’m not really closing my doors. Honestly, may offer talaga sa akin. As his Vice-Mayor sa Subic. Joke lang. Hahahahaha!
“Joke lang. Sa Q.C. ako naka-register.
“May offer to go back to politics. Filing kasi ay sa Oct. 15… So, pinag-iisipan pa.
Payag ba si Mayor na balikan ni Aiko ang politika?
“50/50. Napaka-busy na niya. Iniisip ko rin ‘yon. Plus kasi ako, nakilala ko siya as artista na lang. Hindi ko naabutan ang life niya as politician. So siyempre worry ko rin ‘yon, mawalan ng time, at saka lumalaki ang mga bata, mga anak niya rin. So sabi ko sa kanya pag-isipan niyang mabuti,” sagot ni Mayor.