Una sa Balita

Aiko kumalas na kay Boy Abunda

0 595

Kumalas na si Aiko Melendez sa kuwadra ni Boy Abunda at nasa poder na siya ni Arnold Vegafria ng ALV Talents.

Nilinaw agad ni Aiko na na­ging maayos ang hiwalayan nila ng kanyang Tito/Ninong Boy ayon sa inilabas niya sa kanyang Facebook.

“Walang hinanakit o personal na dahilan. Salamat po Tito Ninong Boy sa 16 years! I will fo­rever be grateful! Nothing but good words for you,” bahagi ng post ni Aiko.

Tatlong taong management contract ang pinirmahan ni Aiko kay Arnold. Kasama niya sa contract signing ang boyfriend at Vice Governor ng Zambales na si Jay Khonghun.

Kasalukuyang napapanood ang aktres sa “Prima Donnas” ng Kapuso Network.

Bistek sumabak sa acting workshop

Sinabayan ni Citizen Bistek (Herbert Bautista) ang anak na si Race Matias sa isang acting workshop. Inilabas ng former Quezon City mayor ang picture nila ng anak sa Facebook account niya.

Kahit hindi na kailangan, sumailalim pa rin siya sa workshop dahil ilang dekada na rin nga naman siyang hindi nakakaarte.

Dahil showbiz ang focus nga­yon, maraming nagpi-pitch na mga project para sa kanya either as an actor or director. Siyempre sa pagbabalik niya sa acting eh kailangang may impact ang project na gagawin niya. Hindi ‘yung bara-bara lang para masabing nag-comeback siya.

Sanya walang takot na naghubad sa movie ni Nora

Two shooting days na lang ang natitira sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” ng Hea­ven’s Best Entertainment kaya maihahabol ito sa deadline for Metro Manila Film Festival 2019.

Naging cooperative rin kasi ang panahon kaya tuloy-tuloy ang naging shooting nito sa isang lugar sa Cavite. Wala ring naging problema sa schedules ng main cast led by Nora Aunor, Michael de Mesa at Philip Salvador.

Bukod sa ac­ting ng magaga­ling na artista, kaabang-abang din ang daring scenes ni Sanya Lopez dahil sa walang takot niyang nilantad ang katawan habang nakasuot ng two-piece bikini, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy