Una sa Balita

Aiko kinasahan ni Gladys ‘Hindi kita uurungan!’

By
0 4,675

Nagkainitan nga ba sina Aiko Melendez at Gladys Reyes sa social media? Takang-taka ang netizens ngayon sa video na ikinalat na nagsasagutan sina Aiko at Gladys, ha!

“‘Wag mo akong hamunin!” sabi ni Aiko.

“Hindi kita uurungan!” sagot naman ni Gladys.

Duda ng marami, para ito sa isang bagong teleserye. Patapos na nga kasi ang Wildflower ni Maja Salvador, na kung saan ay si Aiko ang kontrabida bilang Emilia. At kung may bagong teleserye ang ABS-CBN na ilalabas na magkasama sina Aiko at Gladys, ito na marahil ‘yon.

Pero malay naman natin kung movie rin ito, ‘di ba? O baka commercial naman kaya?

Eh, may hirit pa ang dalawa sa comment section nila na…

“Anong sinabi mo? @iamgladysreyes?” say ni Aiko.

“Anong problema, @aikomelendez?” say naman ni Gladys.

Oh, ‘di ba? Dalawang kontrabida, nagtatarayan sa social media. Bongga!