Una sa Balita

Aiko ‘asawa’ na ang tawag kay Vice Gov Jay

0 390

Mas lumalim ang relasyon nina Aiko Melendez at Zambales Vice Governor Jay Khonghun. Sa Instagram photo ni Jay sa event ng Vice Governor’s League of the Philippines, binati ni Aiko ang kasintahan sa bago nitong achievement.

Kakaiba ang comment ni Aiko at ang ginamit niyang term of endearment kay Jay dahil tinawag na niyang “asawa ko” ang nasabing politiko.

May mga nagbigay ng interpretasyon sa comment ng aktres na baka secretly married na ang dalawa.

Pero posibleng dala lang ito ng katuwaan ni Aiko sa boyfriend kaya nagamit nito ang katagang “asawa ko”. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy