Una sa Balita

Aiko, Angel, Gabbi napraning sa lindol

0 287

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloySinakmal ng matinding takot si Aiko Melendez nang maabutan siya ng lindol sa Zambales. Sa kanyang Facebook post nu’ng Lunes ng hapon, sinabi niyang dalawang lindol ang naramdaman niya.

“Damn, 2 earthquakes felt today! Don’t know which earthquake shook me the most.

“Epicenter of the Earthquake is here in Zambales. Keep us safe o Lord Jesus.”

Tinutulungan ni Aiko ang kasintahang si Jay Khonghun sa pangangampanya para sa posisyon na Vice Governor sa Zambales. Anyway, ligtas si Aiko sa sakuna.
Samantala, ilan din sa mga local celebrity ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa lindol.

Sa tweet ni Angel Locsin, ikinuwento niyang nasa taping siya ng “The General’s Daughter” nu’ng maramdaman ang lindol.

“We were in the middle of the scene when we felt the quake. I grabbed Tito Pip’s hand so we can stay clear of walls & trees. We tried to contact our families right away to check on them. Yes I’m panicky. But better safe than sorry. Stay safe guys.”

Na-weirduhan ang Kapuso star na si Gabbi Garcia nu’ng hindi man lang daw sila sinabihang mag-evacuate habang nasa loob sila ng isang mall, kasama ang kasintahang si Khalil Ramos.

“So earlier during the earthquake, Khalil and I were inside a mall at Makati. Is it weird that they didn’t ask us to evacuate the building after the earthquake? Or is that normal? Or baka naman napraning lang talaga ako kasi ang lakas lang talaga nung lindol,” sabi ni Gabbi.

Jed ‘dedma-dela’ sa quake

Sa tweet naman ni Jed Ma­dela, kinuwestyon niya ang sariling pandama dahil wala siyang naramdamang pagyanig.

“I see there was an earthquake??? Hala! Ganun ba ako kamanhid na pati lindol di ko naramdaman?”

Sa Instagram post naman ni Ruby Rodriguez, makikita ang selfie shot nila ng kanyang anak. Sa message ay mababasa na nagtago sa ilalim ng lamesa ang “Eat Bulaga” host at ang anak.

“Ang lakas ng lindol kaya eto nasa ilalim kami ng mesa.”

Nag-post din ng kanilang mga message of prayers sa kanilang Instagram ang mga artistang sina Ai-Ai delas Alas, Christine Bersola-Babao, Yasmien Kurdi, Erik Santos, Angeline Quinto, Zsa Zsa Padilla, Vice Ganda at marami pang iba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy