Una sa Balita

Aiken lelembot-lembot, ‘di tatagal sa biyahe?

By
0 916

ALRIGHT, nanalo ang Columbian Dyip kontra Blackwater 126-98 sa opening ng PBA Commissioner’s Cup noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Impresibo ang panalo ng mga bata ni Coach Ricky Dandan pero ang problema, bigo ang import na si Charles Aiken na ma­pahanga ang kanyang coach pati na rin ang mga manonood.

Sa 40:57 minuto ni Aiken sa loob ng court siyam na puntos lamang ang kanyang nai-ambag, lima sa se­cond half pero may 22 rebounds rebounds.

Kaya para kay Dandan alanganin ang gra­do ni Aiken sa ­unang laro niya.

“I think he needs to be more aggressive especially coming up against the bigger import,” sabi ni Dandan sa post game interview.

Ayon kay Dandan hindi dapat na lelembot-lembot si Aiken da­hil ngayong linggong ito may dalawa pa sila laban at mala­laki ang import na kanyang makakatapat.

Kontra sa Meralco sa Miyekoles at sa Sabado laban sa NLEX Road Warriors.

Ayon kay Dandan maselan para kay Aiken ang linggong ito na magsisilbi niyang exam.

“We’ll look at him this week. Let see how far he can go,” maik­ling pahayag ni Dandan sa Isport Lang.

Sakaling bumagsak si Aiken sa kanyang examination hindi nagsalita ng tapos si Dandan kung papalitan na siya.

“We’ll talk to ma­nagement about that. Management ang may contact dyan,” dagdag ni Dandan.

Pinuna ang poor shooting ni Aiken, hindi ito inayunan ni Dandan.

“Actually may shooting naman siya if you noticed he was trying to shoot from the outside earlier on,” sabi ng coach ng Columbian na sa nakalipas na first conference ay isa lamang ang naitalang panalo.