Una sa Balita

Aicelle natakot kay Nora

By
0 2,234
Kinilig at kinabahan ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa press preview ng Himala: Isang Musikal dahil nasa audience ang original na gumanap na Elsa na si Ms. Nora Aunor. Si Nora ang gumanap na Elsa sa 1982 film version ng Himala.
 
Pinuri ng superstar ang pagganap ni Aicelle sa naturang musical kaya naman para raw itong batang nahihiya noong lumapit siya kay Ate Guy.
 
“May batang kinilig dahil ka-holding hands niya ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, ang tunay na Elsa ng Himala.
 
“Kinailangan kong magtago sa banyo para hindi marinig ang pangalan niya (para hindi kabahan) nang i-acknow­ledge ang mga guest bago mag-start ang palabas. “Abot langit pa lalo ang kaba dahil nanood ang original cast ng Himala musical, 15 years ago.
 
“Kaya naman masayang makita ang kanilang ngiti at matanggap ang mga yakap nila pagkatapos ng palabas.
“Mula sa buong Baryo Cupang, maraming salamat po sa lahat ng du­malo sa press preview!” pagtapos pa ni Aicelle Santos.