Una sa Balita

AIBA chief Rahimov kuwestiyonable ang kredensiyal!

By
0 109

Hindi kaya ‘suntok sa buwan’ na paniwalaan ni POC/ABAP president Ricky Vargas at sec-gen Ed Picson ang ginawang assurance sa kanila ng kontrobersiyal na AIBA president Gafur Rahimov na hindi mawawala ang boksing sa 2020 Tokyo Olympics?

Balitang may posibilidad na tanggalin sa kalendaryo ng Olympics ang boksing dahil sa pagkahalal bilang pa­ngulo ng kontrobersiyal na Uzbek na si Rahimov sa hierarchy ng AIBA.

Landslide ang panalo ni Rahimov sa election matapos na makakuha ito ng 84 o 86 mula sa 134 votes sa halalang mano-mano matapos na mag-malfunction ang electronic system.

Sa halip na matuwa, sinimangutan ng International Olympic Committee (IOC) ang resulta ng eleksiyon. May dahilan ang IOC na hindi tanggapin ang resulta ng botohan dahil sa suspected underworld lord si Rahimov dahil sa pagkasama ng kanyang pangalan sa watchlist ng Interpol.

Ginawa umano ni Rahimov ang paniniguro kina Vargas at Picson ng maka-usap nila ito sa sideline ng AIBA World Congress sa Moscow kamakailan.

Dahil kinukuwestiyon ang kanyang credentials na maaring maka-apekto sa imahe ng international boxing body, nag-alok si Rahimov na pansamantalang baba bilang presidente pero nagbigay ng mga kundisyunes.
Siya ang pipili ng kanyang makakapalit at may partisipasyon pa rin siya sa Executive Committee na hindi naman tinanggap ng AIBA assembly na indinaan sa botohan.

Ginawa ni Rahimov ang proposal sa layu­ning litisin ang batikang pangalan at maibalik ang integridad at tiwala sa kanya ng IOC.

May balita pa nga na maaring i-delist o hindi na kilalanin ng IOC ang AIBA bilang isang international affiliate at bumuo ng bagong bo­xing body at magtalaga ng bagong mga opisyal.

Pero sa kabila ng mga balitang ito hindi natitigatig o nagwo-worry ang mga opisyal ng ABAP.

Sa katunayan, ayon kay Picson, lalahok ang Pilipinas sa AIBA World women’s Championships sa New Dehil, India sa Nov. 15 to 24. Handa na rin umano ang boxing body sa paparating na Olympic qualifiers (men and women) .

Kung sabagay hindi naman talaga dapat na magpadala o magpa-apekto ang ABAP sa kontrobersyang ito. Kaya meron man o walang boksing sa Tok­yo Olympics tuloy ang preparasyon ng ating mga boksingero.

Tuloy pa rin ang paghahangad ng kauna-unahang medalyang ginto sa Olympics!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy