Una sa Balita

Ai-Ai sagana sa ‘kalabit’ kay Gerald

0 860

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, nakakainggit ang ka-sweetan nina Ai-Ai delas Alas at ng mister niyang si Gerald Sibayan. Sinamahan ko kasi si Ai-Ai sa promo guesting niya ng Hitmakers & Ai sa “Wowowin” show ni Willie Revillame noong Saturday night.

Sa rehearsals ng “Sunday PinaSaya” ko pinuntahan si Ai-Ai kung saan ay nakita ko na sobrang sweet nila ni Ge­rald habang binabantayan siya nito.

Nang magkasama rin kami sa may holding room ng “Wowowin” ay ramdam mo ang sobrang pagmamahal ni Gerald sa Comedy Queen.

Biniro pa nga sila ni KC Guerrero na kasama ko that time tungkol sa nabuking na madalas na “pangangalabit” ni Ge­rald sa kanyang misis at tawa lang nang tawa ang mag-asawa.

Samantala, ganado si Ai-Ai sa pagpo-promote ng post-Valentine concert nila nina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison (seniority ang billing na ito) dahil ibinalita sa kanila ng StarMedia Entertainment, Inc. big boss na si Anna Puno na almost sold-out na ang tickets nila.

Expected nga na before Friday ay ubos na ‘yon, kaya siguradong mapupuno ang Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Napag-usapan din namin ni Ai-Ai ang tungkol sa pelikula niya na prodyus ni Pops Fernandez, ang “Feelinials,” at sa March 20 na raw ang sho­wing nila.

Sa tsikahan na ‘yon, napag-usapan ang tungkol sa sunud-sunod na flop movies lately.

Nabanggit ko kay Ai-Ai ang suggestion ng maraming taga-movie industry na gawin na lang Friday ang opening day ng mga pelikula para mas maluwag-luwag ang moviegoers at makapanood ng mga pelikula.

“Oo nga, kasi nga naman kapag Wednesday, pagdating ng weekend na gustong manood na ng mga tao, wala na, na-pull-out na sa mga sinehan. Kung Friday nga naman, better, kasi mas may oras ang mga tao.

“Puwedeng mag-mall kasi walang pasok kinabukasan. So, hindi agad-agad mapu-pull out sa mga sinehan at pagdating ng Saturday at Sunday ay mas marami pa ang makakapanood.

“Agree ako sa suggestion na gawing Friday ang opening day ng mga pelikula!” sabi pa ni Ai-Ai.

Matapos sipain: ‘Elise’ ibinalik sa mga sinehan

May nagtanong sa akin kung hindi raw ba ako nagkaroon ng regret na pinanood ko ng ilang beses ang pelikulang “Elise” nina Janine Gutierrez at Enchong Dee.

Ang sagot ko, HINDI! Mas may regret ako sa mga taong hindi nanood ng “Elise” dahil hindi sila nagkaroon ng chance na makapanood ng isang maganda at matinong pelikula.

Gandang-ganda kasi ako sa pelikula nina Janine at Enchong. Parehong magaling ang lead stars ng “Elise!” Gustung-gusto ko rin ang pagkakadirehe ni Joel Ferrer sa “Elise!”

Masaya na rin ako na na-pull out man sa mga sinehan ang “Elise,” naibalik din naman ‘yon sa ibang mga sinehan dahil na rin sa magandang feedback sa pelikula.

Marami talaga ang nakipaglaban na ibalik sa mga sinehan ang “Elise” na pinakinggan naman ng ibang theater owners!

Barbie bantay sarado ng ama kay Jak

Going back to the rehearsal of “Sunday PinaSaya,” alam mo, Dondon, napansin ko na para silang isang big family roon! Walang nag-iinarte, huh!

Sa rehearsal pa lang, ang saya-saya na ng mga taga-Sunday PinaSaya! Pero siyempre, ang isa sa pinakamasaya sa kanila ay ang “Kara Mia” star na si Barbie Forteza dahil hindi lang parents niya ang nagbabantay sa kanya dahil kasama rin sa show ang boyfriend niyang si Jak Roberto.

Kapag nakikita ko nga si Barbie ay obvious na sobrang in love siya. Alam ko nga na sobrang saya sila ni Jak dahil magkasama sila sa “Kara Mia.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More