Una sa Balita

Ai-Ai, Regine, Lani nagpalakihan ng boobs

By
0 2,267

Handang-handa na si Ai-Ai delas Alas na makipagsaba­yan kina Regine Velasquez-Alcasid at Lani Mi­salucha ngayong magkakasama sila sa singing search ng GMA na ‘The Clash’.

Sa unang taping ng show, super-fashionista si Ai sa suot niyang gown na may pa-cleavage at matching headdress, huh! Eh, big boobs din naman sina Regine at Lani, kaya bongga, dahil nagmistulang palakihan ng boobs ang pictorial nila, at show nila.

Si Regine ang host ng programa habang judge sina Lani at Ai-Ai kasama si Christian Bautista. Si­yempre, siya ang nagpo-provide ng comic relief sa tuwing taping ng programa.

Eh, kung title at title rin lang ang pag-uusapan, hindi rin siya pahuhuli kina Reg at Lani dahil after bansagang Comedy Concert Queen, siya na ngayon ang tinatawag na Comedy Queen, huh!

Sa ‘The Clash’, puwede na ring bansagang Fa­shionista Queen si Ai-Ai kung pagbabasehan ang gowns na isusuot niya!

Samantala, sa latest post sa IG ni Ai-Ai tungkol sa concert ng mga ta­lent niyang Ex Battalion na gaganapin sa Juy 14 sa Ynares Gym sa Pasig City, wala na sa listahan ng guest ‘yung rapper na naging kontrobersiyal kamakailan.

Nakasaad sa caption sa IG video ang mga guest na sina Julie Anne San Jose, Silent Sanctuary, siya, at isang surprise guest. Sold out na rin ang ticket worth P1,300 pero may naiiwan pa sa tickets na P1,800, P700 at P1,000.00.

———–

Iza, Carla suportado si Heart

Nakatapos na ng isang paintin­g si Heart Evangelista bilang pampapawi niya sa kalungkutang nadarama sa pagkawala ng magi­ging anak sana nila ni Senator Chiz Escudero.

Para kay Heart, kaibigan ang turing niya sa art sa panahong may pinagdaraanan siya sa buhay.

“Art has always been a friend during difficult times. So I sat down and finally finished this piece. Channeling all my emotions into creative projects has me looking forward with a golden heart,” caption ni Heart sa Instagram pic niyang naka-post ng painting na tinapos.

Sa post ni Mrs. Escudero, nagpaabot ng mensahe sina Carla Abellana at Iza Calzado sa pamamagitan ng heart emoji bilang suporta sa kanya.