Una sa Balita

Ai-ai pinatumba sina Iza, Glaiza, Perla sa Cinemalaya

By
0 564

Pinatumba ng Comedy Queen ang mga dramatic actress na sina Iza Calzado, Glaiza de Castro, Perla Bautista, Celeste Legaspi, sa katatapos lang na awards night ng Cinemalaya.

Wagi nga bilang Best Actress si Ai-Ai sa pelikulang School Service na dinirek ni Louie Ignacio, na kung saan ay gumanap siya bilang lider ng isang pamil­ya na gumagamit ng mga bata sa palilimos.

Sa totoo lang, maraming eksena si Ai-Ai na super husay siya. Na ni hindi mo makikita ang pagi­ging komedyana niya.

Although may mga eksena rin na matatawa ka sa simpleng hirit niya, na humamig nang sigawan at palakpakan sa gala night nito sa Cultural Center of the Philippines.

Anyway, todo iyak nga si Ai-Ai nu’ng malaman niya na siya ang nanalo. ‘Yun nga lang, wala siya sa awards night ng ­Cinemalaya, kaya hindi niya personal na natanggap ang award.

“Pasensya na sa reaksyon na ito hehe. Kasi naman po nanonood ako ng ‘The Clash’ nag-a-analyze pa ako ng mga nanalo at lumaban tapos ang pagkasabi ni Sancho, ‘Mama nanalo kang best actress?’ (patanong na excited).

“At ako naman ‘O my GOD nanalo ako nanalo ako!!!’ Super-crayola 48 colors thank you LORD sobra.

“Nanalo ako (bigla kong naisip tama ba dinig ko? Haha bigla ko tinanong si Sancho, totoo ba yan anak? Sabi nya oo Ma si Direk Louie na-tagged ako. So ayun naniwala na ako… at ngayon na nahimasmasan na ako …

“Maraming salamt po Cinemalaya jury at Cinemalaya sa award na ito. Nais kong i-share ang award na ito sa aming direktor Louie Ignacio, labyu… Tita Baby Go, and BG Productions, Dennis Evangelista, Ferdie Lapuz, sa mga kasama ko sa SCHOOL SERVICE, mga bata at sa mga crew at sa aming cinematographer na si Rhain, Direk Loel Lamangan at si Tito Jo Gruta.

“Share ko rin ito sa mga magagaling kong mga co-nominadong actress na si Glaiza, Iza, Tita Perla at sa mga ibang hindi ko nabanggit congrats din…

“At kay LORD na sabi ko pasensya na Lord nagmumura ako sa movie na ito hehe pero yun ang takbo ng buhay sa pelikulang ito ang hirap at katotohanan sa buhay. Mama Mary thanks din po…

“Sa lahat ng blessings TO GOD BE THE GLORY … mga inspirasyon ko sa buhay thank you mga anak Sancho, Niki, Sophia and Andrei, at sa aking asawa Gerald, happy monthsary darl ang ganda ng gabing ito,” mahabang litaniya ni Ai-Ai.
Well…