Una sa Balita

Ai Ai patuloy ang pagtulong sa simbahan

0 515

Ipinagmalaki ni Ai Ai delas Alas ang before and after picture ng Kristong Hari Church sa Commonwealth Avenue, Fairview, QC sa kanyang Instagram na tinutulungan niyang ipagawa.

Mula sa simpleng simbahan na yero ang dingding, aninag na ang matibay nitong structure dahil sementado na ang harap nito at pormang cathedral na.

“Ito na po tinatayong simbahan sa may Commonwealth ang KRISTONG HARI CHURCH. Salamat sa lahat ng donations at tulong na maging maganda ang bahay ng ating Panginoon… at bahay ng ating mga kababayang Kristiyano na sa wakas pag nagawa na ito ay maraming- maraming tao makakapagsimba at hindi na mababasa ng ulan o maiinitan…

“Nais kong magpasalamat sa mga kaibigan ko sa industriya ng show-business na tumulong saken sa mga charity shows para mapagawa ang simbahan…

“Si GOD na ang bahalang magregalo sa inyo ng mga kahilingan ng inyong mabuting puso…at sa lahat ng mga tumulong at TUTULONG pa maraming-maraming salamat po.”

Samantala, nagsilbing regalo sa nakaraag kaarawan ni Ai Ai ang pagtanggap ng movie niyang “School Service” sa 7th Asian Film Festival sa Barcelona, Spain ng Special Mention mula sa Netpac (Network for the Promotion of Asian Cinema) category.

Nominado rin ang Comedy Queen sa coming Luna Awards ng Film Academy of the Philippines para sa “School Service”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy