Una sa Balita

Ai-Ai niyakap, napagkamalang ina ng batang inabandona

By
0 622

abante-i-know-better-jun-nardo

Nilapitan si Ai-Ai delas Alas ng isang batang hindi niya kilala sa Missionaries of Charity sa Tondo, Maynila (actually sa bandang Tayuman St.) nang isagawa nu’ng araw ng Pasko ang charity work niya sa nasabing lugar na tanda niya ay 24 na years na niyang dinadalaw.

Ipinost ni Ai ang picture nila ng batang naglagay ng kamay niya sa katawan nito at saad ng Comedy Queen, may nadama siyang kaligaya­han na hindi niya maipaliwanag sa sandaling ‘yon.

Pagkatapos pagsilbihan ang mga matatanda, dumayo si Ai-Ai sa kabilang compound na House of Joy ang tawag dahil nandoon naman ang mga baby at batang inabandona ng kanilang mga ina.

“Isinama ko ang mga anak ko hindi para magpa-impress at magpabida…dahil gusto kong matutunan ng aking pamilya especially ng mga anak ko to be selfless and generous…(at success naman umiyak sila kanina lahat…hehehe) and na ma-realized nila how blessed they are at wala sila sa ganitong kalagayan…and I/we PRAISE AND GRATEFUL sa ating Panginoon na kami ay may kinakain araw-araw at may maayos kaming bahay tinitirhan…may hamon­ at keso sa noche buena hehehe…happy birthday LORD thank you po sa lahat at thank you din bro and dayday for helping every year,” caption ni Ai-Ai.

Sa isang message sa Viber, nagpasalamat ang anak niyang si Sophia dahil isinama siya ng ina sa pagbisita sa mga bata.

“Thank you for teaching us to be selfless and to be generous. Grabe ma. Grabe yung impact ng presence natin sa mga batang yun. Thank you talaga ma,” mensahe ni Sophia kay Ai-Ai na pinoste ng huli sa kanyang IG bilang pagmamalalaki sa ginawa ng anak na babae.

Of course hindi lang tuwing Pasko tumutulong at namamahagi ng kanyang blessings si Ai-Ai. Non-stop ang pagtulong niya taon-taon kaya naman non-stop din ang blessings na dumarating sa kanya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Tuwing pasko dec 25 ay sine celebrate namin and pasko sa MISSIONARIES OF CHARITY SA TONDO MANILA .. kung susumahin mga 24 years na akong dumadalaw dito at mga 20 year na din akong naglilingkod.. ang batang to hindi ko kakilala pag pasok ko kanina ni lock nya yung arms ko sa katawan nya hehe natutuwa ako and may certain happiness na hindi mo maipaliwanag .. tapos after nito dumalaw kami sa kabila yung home of joy .. ( para naman sa inabandona baby at bata ng mga magulang nila)kasama ang mga anak ko at bakit ko ito ginagawa hindi para mag pa impress at mag pa bida .. dahil gusto kong matutunan ng aking pamilya specially ng mga anak ko to be selfless and generous .. ( at success na man umiyak sila kanina lahat .. hehe ) and na ma realized nila how blessed they are na wala sila sa ganitong kalagayan .. and i/we PRAISE AND GRATEFUL sa ating panginoon na kami ay may kinakain araw araw and may maayos kaming bahay kaming tinitirhan .. may hamon at keso sa noche buena …. happy birthday LORD .. thank you po sa lahat and thank you din bro and dayday for helping me everyyear .. @sanchovito @sophdelasalas @gerald_sibayan @akosimichaelangelo @adrianpanganiban10

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

Kim sobrang husay sa ‘One Great Love’

Binulabog ni Kim Chiu ang nanonood sa SM Megamall ng festival movie niyang One Great Love nang bumisita siya nu’ng araw ng Pasko. Taranta siyempre ang lahat sa presence niya kaya time out muna sila sa pag-emote at photo ops muna kay Chinita Princess!

Sa totoo lang, hindi man sumabak sa giyera sa takilya ang movie nina Kim, Dennis (Trillo) at JC (de Vera), positibong-positibo ang mga feedback ng nakapanood ng pelikula hindi lang sa pagkakagawa ni Direk Eric Quizon kungdi pati sa galing­ ng cast lalo na ni Kim.

Lumalaban din ang One Great Love sa trending topics sa Twitter nu’ng opening day nito laban sa dalawang malakas na entries.

Nawindang ang manonood sa ipinakitang galing ni Kim. Malayong-malayo sa mga unang role na nagawa na niya sa mo­vies. Kaya hindi nakapagtatakang maging ang fans nila ng boyfriend na si Xian Lim eh, aprubado ang performance niya sa One Great Love, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy