Una sa Balita

Ai Ai magta-‘tanga’ sa harap ng mga pari

0 269

abante-i-know-better-jun-nardoMagsusuot ng ‘tanga’ si Ai Ai delas Alas sa June 24 concert niyang “I Heart RCCN (Roman Catholic Church of Novaliches)” na gagawin sa Araneta Coliseum.

Wala siyang pressure na nararamdaman dahil alam niyang maraming tao ang manonood.

“Oras-oras kaya itong ina-announce sa mass sa mga simbahan sa Novaliches,” bulalas ni Ai Ai sa pocket interview niyang sponsored ng BLI Farm (Better Livelihood and Income).

Naku, hindi siya puwedeng magpa-seksi sa concert!
“Puwede! Puwede naman! Magta-‘tanga’ ako! Imposible namang hindi!” diin ni Ai Ai.

Pero walang pagmumura siyang gagawin. “Kasi baka may mga batang manood,” rason niya.

Marami siyang guest gaya nina Bayani Agbayani, Kyline Alcantara at Alden Richards na honorarium ang ibibigay niya na galing sa sariling bulsa niya.
Eh si Marian Rivera?

“Hindi pa niya kaya. Nagbi-breastfeed pa siya,” saad niya.

Breastmilk ni Marian type ng komedyana

Pangalawang fund-raising na ito ng Comedy Queen dahil isang basilica ang pinatatayo sa Kristong Hari church. Nauna ‘yung “For The Love of Mama Mary” na ginawa sa Mall of Asia Arena. Kumita ‘yon ng mga 400K sa gate at bukod pa ‘yon sa mga donation mula sa nanood.

Kailangan pa raw ng P250M para maipatayo ang basilica. Pero hindi naman niya ito bubuuing mag-isa.

“Hindi naman. Baka patay na ako, hindi ko pa mabuo ‘yon!” katwiran ni Ai.
“Panata ko sa buhay na mabuo ‘yon. Actually, tulong lang ‘yung sa akin.

“Katulong ko ang Catholic church. Kasi nu’ng nakita ko siya na para pa siyang bodega, naaawa ako sa mga nagsisimba. Ang liit ng simbahan.

“Tapos ‘yung mga nagsisimba, nasa tulay. ‘Pag umuulan, nababasa sila. Sabi ko, ‘Pagawan ng simbahan ito. ‘Yung malaki.’

“Eh ‘yung Iglesia ni Kristo roon, malaki. Parang nakakatuwa naman na pareho silang malaki,” dahilan niya.

So ‘pag kapos na ang budget after ng concert sa June 24, gagawa pa siya ng isa pang fund-raising?

“Depende. Pero alam ko meron pa silang kinukuhanan ng funds,” sey niya.
Baka kasi maapektuhan ang pagpapadede niya ‘pag nagpa-concert ulit siya.
“Hindi ako puwede next year. Magpapa-dede agad? Wala pa ngang bata, dede agad!? Ha! Ha! Ha!” tugon ni Ai Ai.

“Hingi ako kay Marian, mara-ming gatas ‘yun!”dagdag niya.

Bago ang concert, showing na ngayon ang “Feelennial (Fee-ling Millennial)” movie nila ni Bayani Agbayani under DSL Productions ni Pop Fernandez at aliw na aliw ang mga nakapanood nito sa premiere night last Monday.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy