Una sa Balita

Ai-Ai desididong pabuntis kay Gerald

0 569
abante-i-know-better-jun-nardo
 
 
Tuloy ang balak ni Ai-Ai delas Alas na magkaroon sila ng anak ng asawang si Gerald Sibayan. Preparado na siyang mabuntis kaya naman isisingit nila ang kanilang delayed honeymoon kapag bumiyahe ang “Sunday Pinasaya” sa Korea at Hong Kong next year.
 
“May klase kasi siya kaya kailangan nakaplano ‘yung honeymoon namin,” sey ni Ai-Ai sa birthday celebration niya last Sunday sa Chang Ai resto niya.
 
Kaya pa ba niyang mabuntis?
 
“Of course! Ano ka ba? Alam mo na ‘yon. Huwag na nating i-brag! Ha! Ha! Ha!” rason ng Comedy Queen.
 
“Eh, si ano nga, mas matanda sa akin, nabuntis! Ako pa ba hindi!” diin ni Ai.
 
Sa 50 plus birthday niya, si Alden (Richards) ang unang-unang artistang dumating galing sa “Sunday Pinasaya.” Anak-anakan din kasi niya ang Pambansang Bae.
 
Sa Instagram ni Ai-Ai, inilabas niya ang picture nila ni Alden matapos ang bonggang selebrasyon niya sa “Sunday Pinasaya.”
 
“Happy birthday sa nanay ko! Mahal kita Ai-Ai delas Alas!” saad naman ni Alden.
 
Dumalo rin sa okasyon ang mga kaibigan niyang sina Bo Sanchez, Adrian Panganiban at Father Allan. Ni-­repost ni Ai ang mensahe sa kanya ni Bro. Bo.
 
 
“No matter how many times you fall, no matter how many times you pass through storms, you must stand up again. Keep following Jesus. Your victory awaits,” bahagi ng message ni Bro. Bo.
 
Alam ni Sanchez ang pagbisita ng kaibigan sa Missionaries of Charity para linisin, pakainin at mahalin sila. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy