Una sa Balita

Ai Ai dedma sa patutsada ng Ex Battalion

0 675

abante-i-know-better-jun-nardoLabas na ngayon ang bagong kanta ng grupong Ex Batta­lion — na binitawan na ni Ai Ai delas Alas bilang mga artista — titled “Pakinabang.”

Tungkol daw ang kanta sa mga taong kapag napakinabangan na ng isang tao, eh tinatapon na. Hiningan namin ng reaksyon si Ai Ai sa bagong kanta ng mga da­ting alaga.

Maiksi lang ang tugon sa amin ng Comedy Queen via text.

“Hindi ko nadinig. Hehehe. Huwag na naten pansinin sila,” reply sa amin ni Ai.

Mabigat talaga ang rason ng pagbitaw niya sa Ex-B. Naging mapayapa naman ang buhay niya at nawalan ng sakit sa ulo, huh!

Dahil nabawasan ang pag-iintindi sa career ng iba, tutok si Ai Ai sa promotion ng bagong movie na “And Ai, Thank You” at nagsimula na siyang mag-shooting ng Regal movie niyang “D’ Ninang.” By next year, pahinga muna siya sa career at haharapin ang pagbubuntis.

***
Dingdong feeling blessed na si Marian ang napangasawa

Isang private dinner kasama ang kani-kanilang pamilya at piling-piling kaibigan ang naging surprise at inorganisa ni Dingdong Dantes sa eve ng 35th birthday ng asawang si Marian Rivera.

Isang litrato ni Yan ang nakunan ni Dong na inilabas niya sa kanyang Instagram at sinamahan ng touching birthday message. Feeling blessed nga siya na si Marian ang napangasawa niya.

“I am so fortunate to have been beside her to witness this, but I am even more grateful to be beside her as her life partner more than a decade now.

Happy birthday, @marianrivera!” saad ni Dong sa asawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy