Una sa Balita

Ai-Ai binigyan ng datung ni Willie

By
0 2,263

Nag-promote kamakailan ng kanyang Valentine concert na Ai Love You si Ai-Ai delas Alas sa Wowowin ni Willie Revillame. Nang malaman ni Willie na nasa dressing room na si Ai-Ai, ipinatawag niya ito.

‘Ninong’ kaagad ang dialogue ni Ai-Ai nang magkaharap na sila ni Willie. Isa sa mga kinuhang ninong ni Ai-Ai sa kasal nila ng mister na si Gerald­ Sibayan ang TV host/producer.

Kaagad pinagawan ni Willie ng tseke si Ai-Ai bilang regalo sa kanilang mag-asawa.

Bongga si Willie, very generous ninong!

Anyway, regarding her Ai Love You Valentine concert, almost sold out na ang tickets, kaya naman tuwang-tuwa ang mga taga-Palacio de Maynila na venue nila.

Naaaliw nga pala si Ai-Ai dahil palagi siyang inuusisa ng press kung anong ‘kababalaghan’ ang gagawin niya kay Piolo Pascual na special guest niya sa nasabing concert.

Knowing ang kapilyahan ni Ai-Ai, tiyak na hindi makakaligtas si Piolo sa kanya, huh!

***

Rey Valera bawal mag-promote sa GMA

Still on Willie, nang malaman niyang may Timeless OPM concert ang mga kaibigang Rico J. Puno, Imelda Papin, Claire dela Fuente at Rey Valera, sinabihan niya ang producer na si Anna Puno na welcome silang mag-promote sa Wowowin.

Kaso, si Rey, exclusive yata sa ABS-CBN, kaya hindi puwedeng makasama ng tatlo.

Sa first schedule ng promo sana nila, hindi pumuwede si Rico dahil may show ito sa Abra, nang malaman ni Willie ‘yon, siya na ang nag-suggest na ibang araw na lang dahil gusto talaga niyang makasama nina Imelda at Claire si Rico.

Sobrang lapit pala ni Rico kay Willie. Actually, noong 40th anniversary concert ni Rico, si Willie sana ang special guest, pero nagkasakit ang TV host/producer, kaya hindi nakapunta.

***

Martin tuloy ang 3-night concert sa Hawaii

Ngayon ang alis ni Martin Nievera pa-Honolulu, Hawaii. Tinapos lang ni Martin kagabi ang #paMORE MOA Arena concert nila ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid at ni Erik Santos.

Sa February 14, 15, 16 ang 6 shows ni Martin sa Blue Note. Bale tig-2 shows siya bawat gabi. Malamang na bumalik na sa Pilipinas si Martin sa February 18 dahil marami pa siyang commitment dito sa atin.