Una sa Balita

Ai-Ai, Bayani movie atras

0 907

abante-anything-goes-jun-lalinNabasa ni Pops Fernandez ‘yung isinulat ko na sa March 20 na ang showing ng “Feeli­nials” movie nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani na isa siya sa producer, kaya ang sabi niya, baka ma-move pa raw ‘yon.

Aayusin pa raw nilang mabuti ang publicity and promotions ng pelikula at saka nila ia-announce ang final playdate nila.

Mukhang hihintayin muna ni Pops ang panukalang gawing Friday ang opening day ng mga pelikula!

Pa-concert ni Annabelle mabenta

Maaga akong umuwi kagabi para makapagpahinga’t hindi stress today dahil mamayang gabi na ang Valentine Extravaganza dinner-concert na produced ni Annabelle Rama sa Marriott Grand Ballroom.

Kitang-kita ko ang stress ni Bisaya sa pag-aasikaso sa pre-Valentine dinner-concert na ito kaya aagahan ko sa venue para tulungan siya dahil ayaw ni Bisaya na hindi siya ang tututok sa entrance.

Ayaw kasi ni Bisaya na magkagulo-gulo sa tables, kaya magbabantay raw siya sa entrance para siya mismo ang magturo kung saang table ang mga bumili ng ticket sa kanya.

Siyempre, excited si Bisaya sa Valentine Extravaganza dahil sold-out na last week pa ang tickets. “May ibang mga tumatawag sa akin at gustong bumili ng tickets, pero hindi na puwedeng magdagdag ng table. Sisikip masyado sa Marriott Grand Ballroom, ayoko naman ng ganoon,” sabi ni Bisaya nang makasama ko siya last Saturday sa band rehearsal ng mga kakanta mamaya.

Bumilib nga pala ako kina Pilita Corrales at Eddie Mesa dahil ang aga ng mga ito na dumating sa band rehearsal.

“Mahirap ma-late at nakabantay pa naman si Annabelle,” pabirong sabi ni Tita Pilita.

Ang ibang mga kasama pa nga pala sa Valentine Extravaganza ay sina Mitch Valdes, Mitoy Yonting, Atty. Sal Panelo, Sunshine Cruz at front act naman sina Eddie Gutierrez at LA Santos.

May special dance number naman si Sarah Lahbati with the G-Force at hosts sina Ruffa Gutierrez at Tim Yap.

Si Direk Alco Guerrero naman na anak ng ABS-CBN na si Chit Guerrero ang direktor ng Va­lentine Extravaganza.

“Noon kasi, ako lang ang namamahala ng lahat, ngayon, kumuha ako ng full production staff, pati si Direk Alco, kinuha ko, kaya pinakamalaking show ko ito,” sabi pa ni Bisaya.

Siyempre, maraming celebrities ang manonood ng dinner-concert na ito at isa sa mga ‘yon si Richard Gutierrez na very supportive sa gagawing pagsasayaw ni Sarah mamayang gabi!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy