Una sa Balita

Ahensiyang bantay POGO itatag

0 189

UMAPELA ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamahalaan na bumuo ng isang ahensiyang mag-i-screen at magmo-monitor ng pagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa para maiwasan din ang korapsyon.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP nababahala ang hanay ng mga manggagawa sa balitang pinagbawalan na ang POGO sa Cambodia at Vietnam.

Ang pangamba ng grupo, baka dags ain ang Pilipinas at dito na magtayo ng negosyo sa POGO.

Ito ang pahayag ni Tanjusay sa isang forum sa National Press Club na pinamagatang ‘Report to the ­Nation’.

“Alam mo naman ang Pilipinas very accomodating baka dito pumunta sa Pilipinas”, ani Tanjusay.

Nananawagan kami sa pamahalaan na magbuo ng isang ahensiya na magma-manage at kokontrol sa mga empleyado ng POGO sa bansa.

Sa kasalukuyan ang Pagcor, DOLE at DTI ang namamahala sa POGO subalit ang mga ito ay walang koordinasyon sa isa’t isa at ito umano ay nagiging malapit sa mga sindikato. (Riz Dominguez/Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy