Una sa Balita

Ahanmisi lipat ng Aces kapalit ni Exciminiano

0 277

INAPRUBAHAN ni PBA Commissioner­ Willie Marcial Biyernes ng hapon ang trade na nagdala kay Maverick Ahan­misi patungong Alaska Aces mula Rain or Shine, kapalit ni Ping Exciminiano at first-round pick.

Makukuha ng Elasto Painters ang lowest pick ng Aces sa first-round ng 2019 draft.

No. 3 pick overall ng Rain or Shine si Ahanmisi noong 2015. Ang 6-foot-2 guard ay produkto ng Minnesota sa US NCAA Division 1.

Binagabag ng injury ang 28-anyos na guard at hindi masyadong naga­mit ng Painters sa Commissioner’s Cup.

Mula nang kunin ng Alaska sa second round ng 2013 Draft, nanatili sa Aces si Exciminiano, 30-anyos na galing ng FEU.

Kilala si Exciminiano bilang matibay na perimeter defender, dalawang beses nasama sa All-Defensive Team noong 2015 at 2016.

Ipa-partner na si Ahanmisi kay Chris Banchero sa backcourt ng Aces.

Si Exciminiano naman ay ipapares­ kina Rey Nambatac at Kris Rosales.

(VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy