Una sa Balita

Agusan del Norte, 4 beses inuga

By
0 6

Apat na beses nilindol kahapon ang Agusan del Norte kung saan naitala ang pinakamalakas na paggalaw ng lupa sa Magnitude 5.0.

Batay sa Earthquake Bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (PHIVOLCS), naitala ang magnitude 5.0 sa sila­ngan ng Nasipit, Agusan del Norte bandang alas-2:29 ng madaling-araw at may lalim itong 26 kilometro.

Sinundan ito ng mga aftershocks bandang alas-3:07 ng madaling-araw kung saan naitala ang magnitude 3.3; alas-4:14 ng umaga kung saan naitala rin ang magnitude 3.2; at panghuli ay naitala sa silangan ng Santiago, Agusan del Norte na may lakas na magnitude 2.5.

Ayon sa Phivolcs, tecto­nic in origin o regular na paggalaw ng lupa ang sanhi ng lindol sa naturang probinsya at walang naitalang casualty o nasirang mga ari-arian.

Bukod sa Agusan, inuga rin ng mahinang lindol ang iba’t ibang bahagi ng Mindanao at Luzon kung saan naitala ang magnitude 2.9 sa silangan ng Kalilangan, Bukidnon; magnitude 4.2 sa Alabel, Sarangani; magnitude 2.8 sa Tarragona, Davao Oriental; magnitude 2.8 sa Gutalac, Zamboanga Del Norte; magnitude 2.9 sa Bani, Pangasinan; at magnitude 2.2 sa Looc, Occidental Mindoro.