Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aguirre ‘di pa absuwelto sa ‘Pastillas’ scam- Hontiveros

0 177

Hindi pa umano absuwelto si dating Justice Secretary Vitalianno Aguirree III sa ‘Pastillas’ scheme, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Sa panayam sa CNN Philippines, sinabi ng senador na ang pag-isyu ni Aguirre ng Department Order No. 41 noong 2017 na nagbukas para masilipan ng katiwalian ang pagpapatupad ng VUA (visa upon arrival).

“So he remains, in a way, a person of interest in the minds of the committee as far as searching for the protector nitong mag-amang Mariñas,” dagdag nito.

Ang tinukoy ni Hontiveros ay sina dating BI Port Operations Division chief Marc Red Mariñas at ama nito si Maynardo Mariñas na dating Special Operations Communications Unit head ng ahensiya.

Sabi nito, ang pagtalaga sa mag-ama sa nasabing posisyon ang nagpahina sa check and balance sa pagitan ng dalawang tanggapan ng BI na humawak sa proseso at pag-isyu ng VUA. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.