Una sa Balita

Aguirre bistado na, nagpapalusot pa – Hontiveros

By
0 1

Binalewala lamang ni Senador Risa Hontiveros ang reklamong wiretapping, kidnapping at obstruction of justice na isinampa sa kanya sa Office of Ombudsman ng isang dating congressman na konektado sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

“Hindi ito dapat bigyan ng katiting na halaga at pansin ng publiko,” pahayag ni Hontiveros nang hingan ng reaksiyon ng Abante kahapon.

Ayon sa senador, ang kasong inihain ng grupong konektado kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay desperadong hakbang ng mga ito para ilihis ang atensiyon ng publiko kaugnay ng plano nilang pabilisin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

This confirms the conspiracy hatched by Sec. Aquirre and his VACC to expedite the filing of cases against me,” ani Hontiveros.

Sa paghahain ng reklamo sa kanya ng VACC, kinukumpirma lang din umano nito na si dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras ang ka-text noon ni Aguirre.

“Bistong-bisto na, buking na buking na, nagpapalusot pa. Nais pa magtago sa likod ng mga walang batayang kaso. Hindi ito dapat pag-aksayahan ng panahon at pansin ng mamamayan,” anang senadora.