Una sa Balita

Aguilar tomador ng Gins vs Dyip

0 318

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — Phoenix vs. Blackwater
7:00pm — Ginebra vs. Columbian

SIDELINED ng thumb injury si Greg Slaughter, nilabas ni Japeth Aguilar ang pinakamaangas na laro sa PBA Governors Cup at nakabingwit ang Ginebra ng malaking isda, itinumba ang TNT 96-93 noong Biyernes.

Angat sa 6-3 ang Gin Kings, kumakapit sa No. 4 ng standings at lumalakas ang tsansa sa twice-to-beat advantage na para sa top 4 teams sa quarterfinals.

Nagsumite si Aguilar ng 29 points at 10 rebounds, umayuda ng 24 points, 16 rebounds at 6 assists si Justin Brownlee.

“Crucial ‘tong panalo namin. Malaking bagay ‘to para sa standing namin,” ani Aguilar, walo sa kinalawit na rebounds ay mula sa offensive end na kinasangkapan para makakuha ng 20 second-chance points.

“Nasa top three ‘yung (TNT) at this point, (win) might give us quotient.”

Ilang linggo pang mawawala si Slaughter, kaya kailangan muli ng magandang laro ni Aguilar laban sa Columbian na nasa three-way tie sa 7th-9th kasama ng Alaska at NorthPort sa pare-parehong 4-6.

Bakbakan ang Gins at Dyip sa second game mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

“Nandu’n pa rin kami (top eight), kasi advantage namin sa mga tinalo namin nasa baba,” ani coach Johnedel Cardel. “Siguro I think if we get lucky, even if we don’t get past Ginebra, sa 4 wins baka pumasok kami. Baka lang, ha.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy