Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Agrikultura bumagsak ang produksyon

0 205

Umurong ang sektor ng agrikultura nitong third quarter ng taon, ang pang-apat na magkakasunod na quarter na bagsak ang sektor.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, umurong ng 2.6% ang agrikultura dahil bagsak lahat ng mga sektor nito maliban sa poultry.

Pinakamalaki ang bagsak ang livestock sector sa 15.2% dahil kinaladkad ito ng nanatiling pagkalugmok ng produksyon ng baboy na bumaba ng 17.8%.

Pitong magkakasunod na quarter bagsak ang livestock at limang magkakasunod na quarters namang bagsak ang produksyon ng baboy, ayon sa PSA. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.